Dating aktor at modelo, bagong saksi sa kaso ni Dacera lumantad umano sa NBI

 

Larawan mula sa Google at Politiko



Lumantad ang pinakabagong testigo na maaring magbigay liwanag sa kaso ng pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera. 

Ayon sa isang ulat ng Politiko, isang 32-taong gulang na dating artista at modelo ay nasa kustodiya na umano ng National Bureau of Investigation (NBI) bilang isang testigo.

Ang panibagong saksi ay sinundo pa ni Deputy Director Ferdinand Lavin sa Tacloban City nitong Biyernes, January 15, 2021.

Ang pangalan umano ng testigo ay hindi nakasama sa naunang inilabas na police report. 

“His name did not come up in the police report. He volunteered to come forward because he feared for his safety,’’ ayon pa kay sa source umano ng Politiko

Ayon pa umano sa nasabing source, ang dating aktor ay may makabuluhang impormasyon sa mga pangyayaring nakapalibot sa pagkamatay ni Dacera, na maaaring maging susi sa pagresolba ng kaso.

Sinabi din nito na nasa room 2207 din umano ang dating aktor ngunit hindi na nagdetalye pa.

Inilarawan ng dating aktor ang sarili sa kanyang social media account bilang isang freelance Artist / commercial modem, at dating artista ng GMA at ABS- CBN.

Kamakailan lang ay lumabas din ang pangalan ng isang basketball player na isa din sa mga bisita sa room 2207 na sinasabing natipuhan pa umano ni Dacera.

Ayon pa sa mga ulat, humarap na din sa  National Bureau of Investigation ang basketbolistang si Justin Rieta noong January 13, ngunit itinanggi nito na kilala niya si Dacera.

Si Dacera ay sinasabing natagpuang walang malay sa bath tub ng room 2209 sa City Gardens Hotel sa Makati City,  at isinugod sa Makati Medical Center kung saan idineklarang patay na ito pagdating.


Post a Comment

0 Comments