Larawan ng Butuan City Police mula sa Facebook |
Isang istasyon ng pulisya sa Lungsod ng Butuan ang naglunsad ng kanilang hamon na "Pass the Hat" upang makatulong na makalikom ng pondo para sa pamilya nina Sonya at Frank Gregorio.
Sa pagsisikap na ipakita na sila ay iisa sa namayapang pamilyang Gregorio sa gitna ng kontrobersyal na insidente sa Tarlac, naglunsad ng donasyon drive ang mga pulis ng Butuan City Police Station 3.
Sila ay gumawa ng tradisyunal na "pass the hat" upang humingi ng mga donasyon mula sa kanilang kapwa pulis upang matulungan ang pamilya nina Sonya at Frank Gregorio.
Ang pagkukusa na ito ay sa ilalim ng pamumuno ni PCPT Emerson L. Alipit, “Ito ay handog ng Butuan City Police Station 3 para sa Pamilya Gregorio.” ayon sa binahaging caption sa Facebook.
“Layunin namin na makalikom ng tulong pinansyal para sa pamilyang naulila ng mag-inang nanay Sonya at Frank Gregorio,” dagdag ng Butuan City Police Station 3
Ang mga mababait na pulis ay nagbigay din ng maikling mensahe para sa pamilyang Gregorio at sinabi sa kanila na nais nilang ipakita ang kanilang pagmamahal at pagkalinga sa kanilang pamilya.
“Kami po ay nakikiramay at nakikidalamhati sa pamilya Gregorio at nais naming maipaabot ang mabuting puso at pagmamahal ng inyong kapulisan mula sa Butuan City Police Office,” anila
Patuloy din ang panawagan ng mga ito sa kanilang ibang mga kabaro na ipakita ang malasakit para sa kapwa.
“Kami po ay nanawagan sa Butuan City Police Station 1-5, Butuan City Mobile Force Company at Cantilan MPS at iba pang Police Station sa Caraga Region na tanggapin ang hamon na maipaabot natin ang taus pusong pagmamahal sa pamilya Gregorio,” dagdag pa nila
Matatandaan na ang mag-inang Sonya at Frank ay ang naging biktima ng pamamaril ng pulis na si Police Senior Master Sergeant.
0 Comments