Hugot ng OPM legend na si Rey Valera: Naawa ako sa Pilipinas, parang naramdaman ko lalo yung paghihirap natin lalo


Larawan mula sa PhilStar



 Naging emosyonal ang isang episode ng "Tawag ng Tanghalan sa  “It’s Showtime” kamakailan lalo na si OPM hitmaker at songwriter na si Rey Valera pagkatapos kumanta ng isang kalahok.


Ito ay matapos kumanta ni quarterfinalist Wincel Mae Portugal-Maglanque ang classic hit na “Malayo Pa Ang Umaga”  na sobrang tumagos sa puso ng mga manonood pati na sa mga host ng palabas.


Ayon kasi kay Wincel, naniniwala siyang pagsubok lang  ang lahat ng nararanasan mga Filipino ngayon at darating din ang araw na magiging maayos muli ang lahat.


“Noon naranasan natin itong pandemya lalo na nung bumagyo, nagkasunod-sunod, maraming mga kababayan natin ang nawalan na ng pag-asa.


“Pero ang Lord po pala talaga pinapadaan lang ang pagsubok pero meron po pa lang pag-asang ibibigay sa atin. Everything happens for a reason,” ayon pa sa contestant  na dating OFW


At nang hingian naman ng mensahe si Rey Valera, aniya muntik na siyang maiyak sa pag awit ni Wincel. 


“Maiiyak na ako kanina. Naawa ako sa Pilipinas. Parang naramdaman ko yung paghihirap natin lalo.


“Kapag tayo nag-a-abroad, makikita natin sala-salabat yung mga bubong. Kapag pumunta ka ng ibang bansa, ayos na ayos.


“Tapos maaawa ka sa Pilipinas. Tapos makikita mo nangyayari sa ating lahat. Tapos itong ABS-CBN nagkaganito pa. In my own way, gusto kong suportahan sa abot ng aking makakaya,”aniya


Ayon naman sa host ng programa na si Vice Ganda, sa kabila ng mga pagsubok ay patuloy ang mga Filipino na magiging positibo at hindi dapat mawalan ng pag asa. 



Post a Comment

0 Comments