De Lima on Pemberton case: Presidential power inabuso na naman ni Duterte

 

Photo from Remate and Twitter



Ayon kay Senadora Leila De Lima, may panibagong pang aabuso na naman na ginawa si Pangulong Rodrigo Duterte nang bigyan nito ng absolute pardon ang sundalong Amerikano na si Joseph Scott Pemberton na pumatay sa Filipino transwoman na si Jennifer Laude

“Another abuse of a presidential power or prerogative; and an affront to the ideals of true and complete justice,” ayon sa isang pahayag ni De lima

Sinabi din ni De lima na umakto ang pangulo na tila ba mayroong pagkakautang ang Pilipinas kay Pemberton.

“Mr. Duterte just granted absolute pardon to Scott Pemberton and acted as if our country owed him time allowance for his early release. We don’t. It is Pemberton who owes our country a full sentence for murdering one of our own,” ani De lima

Ayon pa kay De lima, kilalang kritiko ni Pangulong Duterte, maraming beses na umano hindi pinapanigan ng huli ang mga Pilipinong naghahanap ng hustisya, halimbawa nalang daw ay ang China.

“He refused to close our country to China when the pandemic was exploding in Wuhan,” ani De lima.

“He said nothing when our fishermen were being harassed and attacked by Chinese vessels in the West Philippine Sea,” dagdag pa nito.

Binanggit din ng mambabatas ang patuloy na pagkupkop ni Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III sa kabila ng sunod-sunod na issue ng korupsyon sa Department of Health at PhilHealth.

“He kept Sec. Duque in office, in spite of clear evidence of mismanagement and corruption in the DOH and PhilHealth,” aniya pa

Tanong ni De lima, hanggang saan kaya umano titiisin ng mga Pilipino ang ganitong asal ng pangulo.

“Si Duterte lang yata ang pangulo na hindi pumapanig sa sarili niyang sambayanan. Hanggang kailan pa ba titiisin ng ating bayan ang katrayduran na ito?” dagdag ni De lima


Post a Comment

0 Comments