Photo courtesy of Philippine Star |
Naaresto na sa Maynila ang lalaking nag abandona sa isang senior citizen sa ilalim ng tulay ng Mac Arthur Bridge nitong Miyerlukes.
Napag alaman na ang nasabing lalaki at pamangkin pala ng kaawa awang matanda, na halos hinang hina na at namumutla marahil na rin sa gutom at mainit na paligid. *
Ayon sa salaysay ng Manila Public Information Office (PIO), nakilala ang suspek na si ginoong Ephraim Tan Yap, na syang umako sa matanda at nag aruga matapos pumanaw ang asawa nito.
Ang senior citizen na inabandona ay kinilalang si Mrs. Fulgencia Tan, 76 na taong gulang, matapos itong maconfine sa Metropolitan Medical Center sa loob ng tatlong linggo.
Dagdag pa nito, ng pumanaw ang asawa ni ginang Tan, nagpasya na si Yap na dalhin na lamang sa isang Missionary Charity sa tulong ng isang Emerita Decillo upang makahingi ng certificate na sinasabing inaabandona na ni Yap ang kanyang tiyahin.
"Lumapit po ako kay Emie, pagtapos po noon pumunta kaming barangay para sa certification na inaabandona ko na ang auntie ko. Kaya humingi po ako ng tulong para maipadala siya sa mga center," paliwanag ni Yap sa Manila PIO. *
Salaysay naman ni Decilio, nakakuha naman ito ng certificate upang malagak na si ginang Tan sa mga centers subalit ayon kay Decilio, ayaw tanggapin ng mga centers ang pobreng matanda.
"Pero wala pong tumanggap sa'min, kaya desperado na po ako. Aaminin ko po iniwan ko po," dagdag pa ni Decilio.
Agad na kinausap ni Mayor Francisco "Isko" Domagoso Moreno ang mga suspek upang magpaliwanag, at alamin ang buong istorya.
Ayon kay Mayor Isko, bagaman hindi man sya husgado ay nahaharap pa rin sa kasong kriminal ang mga suspek, maaaring patawan ng paglabag sa "Article 275 of the Revised Penal Code or the “Abandonment of Persons in Danger and Abandonment of One's own Victim.”
Photo courtesy of Philippine Star |
Masama ang loob ni Mayor Isko at halos bulyawan ang mga salarin, aniya, mga walang puso ang mga taong ito at nagawang iwan ang matanda sa ilalim ng tulay. *
"kaya lang kayo kumikilos dahil sa pera! Ikaw talipandas ka, nasaan ang puso mo? Puro pera lang ang pinag uusapan nyo eh. Hindi nyo ginawa yon dahil gusto nyong tumulong, ang gusto nyo, kumita! Magpaliwanag kayo sa pulis!" ani Yorme sa pamangkin ng matanda.
Matatandaan sa mga naunang mga balita, na nasagip na ang ginang at ngayon ay nasa pangangalaga na ng Manila Department of Social Welfare Office (MSWDO).
Kwento ng mga saksi, may nakita silang dalawang lalaki na nag-iwan sa matanda sa harap ng chapel malapit Barangay 303, Zone 29 noong tanghali ng Miyerkules. Naiinitan na umano ang matanda kaya inilipat nila ito sa ilalim ng tulay kung saan ay malilim.
“Naiinitan ‘yong matanda, kawawa naman. Nilagay namin diyan sa ilalim ng tulay,” sabi ng isang residente.
Agad naman kumilos ang mga opisyales ng nasabing barangay at pansamanntalang kinupkop ang matanda.*
“Hindi na ho ugaling tao ‘yong ginawa niyo. Kung may problema kayo doon sa matanda, sana inihanap niyo ng institusyon na paglalagakan, hindi ‘yong parang basura niyo lang iiwan,” pahayag naman ni Barangay 303, Zone 29 chairman Ariel Sierda.
Photo courtesy of Facebook @ Mayor Francisco "Isko" Domagoso Moreno page |
Mabilis na nagviral ang mga larawan ng matanda habang nakahiga sa estero sa ilalim ng tulay. Maraming netizens ang nahabas sa kalunos-lunos na kalagayan nito.
Bumuhos ang simpatya ng mga netizens para sa matanda at hindi na napigilan pang magkomento ng mga ito. Narito ang ilan:
"Wala kasing pera ang matanda kung meron yan iwan ko lang kung kaya nyang iwanan, sa panahon tlga ngayon pah wala k ng pera wala ng mg aalaga sayo"
"Sana po di rin mangyari sainyo yung ginawa niyo pagtanda niyo. Pag mahina na yung matanda, iiwan niyo nalang basta sa daan. Tao po yan hindi bagay lang. What comes around goes around." *
"Mabuti naman at narescue na si lola! Thank you Lord!!!! Please take good care of lola, nakakalungkot lang dahil sa kalagayan niyang yan, naranasan niya pang iwanan na lang sa kalsada ng sarili niyang kadugo.
"Mahalin nyo magulang nyo dahil di nyo alam pinagdaanan nila para lang maisilang kayo. Kung ganyan gagawin sa inyo ng anak nyo pag tumanda kayo. sa tingin nyo magugustohan nyo? Kaya wala kayong karapatang saktan magulang nyo dahil lahat kinaya nyan para lang maisilang kayo."
"Ano Kya mabigat na dahilan bkit nla nagawa? Sana dinala na lan sa home for the aged or shelter pra sa oldies. Salamat tlaga ky ISKO MORENO at matulungan sana c nanay..."
0 Comments