Inakusahan ni
dating senador Antonio Trillanes IV ang dalawang kaalyado ni Pangulong Duterte
ng umano’y katiwalian sa pagbili ng mga gamit na pang-proteksiyon para sa mga
manggagawa sa kalusugan.
Lumabas ang
akusasyon ni Trillanes matapos na maiulat na nakakuha ng P727 milyon na deals sa
PPE supplies ang tatlong blacklisted na kumpanya.
Ang tatlong
kumpanya ay kabilang sa mga kasama sa blacklist ng Department of Budget and
Management (DBM) dahil sa mga paglabag sa bidding at pagpapatupad ng kontrata.
Binatikos ni
Trillanes ang sinasabing scam sa acquisition ng PPE at isiniwalat ang
pagkakasangkot umano ng dalawang “very powerful figures” na malapit sa pangulo
na hindi niya pinangalanan.
“This is the
smoking gun of corruption that would link 2 very powerful figures close to
duterte,” ayon sa dating mambabatas
“Ang lupit
nyo, pati mga PPEs pinagkakakitaan nyo!” aniya pa.
Nauna nang
namili ang gobyerno ng mga proteksiyon para sa mga health workers upang matiyak
ang kanilang kaligtasan at proteksyon mula sa COVID-19.
Sa ilalim ng
Bayanihan law ay maaaring pabilisin ang pakikipag-kasundo sa mga pagbili ng mga
mahahalagang produkto na may malinaw at simpleng alintuntunin sa liquidation.
Ang mga patakaran
na dapat sundin sa mas pinadaling proseso ay para maiwasan ang ang pang-aabuso
at katiwalian nang hindi nakakabagal sa mga transaksyon.
Ayon sa ulat
ng Inquirer, ang mga kumpanyang blacklisted ay kinabibilangan ng tatlong nakakuha
ng kontrata para mag supply nga PPEs- ito ay ang Ferjan Health Link
Enterprises, Cebu Business Materials Trading Co. Inc. and Jozeth Trading.
Nilinaw naman
ng opisyal ng DBM na si Rolando Toledo, Assistant Budget Secretary na hindi
maaring makilahok ang mga kumpanyang blacklisted kahit na noong ipinatupad ang
emergency procurement.
Ayon din kay Toledo, mas makabubuti na malaman muna ang dahilan kung bakit blacklisted ang mga nasabing kumpaya kung ito ba ay maaaring gamitin para mabali ang kontrata.
Sinabi ni
Toledo na maaaring kaharapin ng mga ahensya ang kasong administratibo o kriminal,
depende sa dahilan na iginawad nila ang kontrata sa isang blacklisted entity.
0 Comments