One Hospital Command Center: Ikalawang yugto ng national action plan ng pamahalan upang bumaba ang death rate dahil sa Covid-19


Ang ikalawang yugto ng pambansang plano na aksyon ng gobyerno ay naglalayong bawasan ang dami ng namamatay sa mga pasyente ng coronavirus sa pamamagitan ng pagtatatag ng "One Hospital Command" system, ayon kay Sec. Carlito Galvez Jr.,ng National Task Force Against Covid-19 chief implementer.

Sinabi ni Galvez, bilang na siyang ring peace adviser ng pangulo, ang pagtatatag ng nasabing sistema ay makakabawas ng bilang ng mga namamatay sa mga nahawaan, na siyang pangunahing layunin ng pamahalaan upang labanan ang COVID-19.

"This system will maximize the use of our temporary treatment and our monitoring facilities which have been built specifically for mild and asymptomatic cases," aniya sa paglunsad ng Covid-19 command center sa Makati City.

Sa pamamagitan ng sistemang ito, ayon kay Galvez, ang oras ng paghihintay para ma-admit sa ospital ang mga pasyente siguradong mababawasan.

Sinabi rin ng opisyal ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na unahing pagalingin ang mga pasyenteng may coronavirus.

Idinagdag pa niya na ang pagbaba ng rate ng pagkamatay dahil sa Covid-19 ay makakatulong upang mabuhay ang ekonomiya ng bansa.

"As told by our health secretary Francisco Duque III, we need to reduce our fatality to the minimum level so that we can open up our economy," ayon kay Galvez *

"Without doing that, we cannot open up and recover our economy."

"We will recalibrate our plan and also make the use of these 15 days in order to prepare us from this Covid-19 pandemic health crisis," saad pa ni Galvez

Samantala, inamin ni Galvez na ang pagpapatupad ng dalawang linggong modified enhanced community quarantine (MECQ) ay hindi sapat upang matugunan at mapigilan ang  pagkalat ng virus.

"but we will continue to work hard [using] our strategies to reduce the new cases at the same time, minimizing deaths." Aniya

Sinabi ni Galvez sa susunod na 15 araw, ang task force ay bibisita sa mga kritikal na lugar na may mataas na panganib para sa mga kaso ng Covid-19 upang makipag usap sa mga LGU at tulungan ang kanilang mga health professionals kung paano mag papatupad ng localized zonings and lockdowns.*

Kasama na dito ang pagbibigay ng briefing at mga tool kits. Nabanggit din ni Galvez na mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga LGU sa paglaban sa kinilalang Covid-19.

"So far, what we are doing right now through the one hospital command, we are capacitating our health capacity,” aniya

Samantala, pinag aaralan na rin ng gobyerno ang proposal na gawing dedicated hospital ang Quezon City's East Avenue Medical Center (EAMC) para sa mga pasyenteng may COVID-19.

"It would provide 250 isolation and ward beds, at the same time additional ICU [intensive care units], more or less 20 to 30 ICU beds," dagdag ni Galvez

"We also expanded PGH [Philippine General Hospital], it can accommodate 50 to [an] additional 100 beds as well as the Lung Center and Quezon Institute," ani Galvez*

Sinabi pa ni Galvez na ang National Task Force on Covid-19 (NTF) at Inter-Agency Task Force for the Management of emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ay sabay-sabay na bisitahin ang lahat ng mga LGU sa National Capital Region (NCR) sa loob ng linggong ito.

Bisitahin din ng gobyerno ang bawat ospital na may mga Covid-19 patients upang masubaybayan ang mga paghahanda para tugunan ang pandemya at magbigay ng suporta sa mga manggagawa sa pangangalaga sa kalusugan.

Inulit rin ni Galvez ang massive recruitment na sinasagawa ng Department of Health (DOH) upang matugunan ang manpower ng frontliners na nakikipaglaban sa kinakatakutang virus.

"They continue to save lives and treat more patients even though they have been exposed [to] Covid-19 for more than 180 days now," ayon kay Galvez

 

 

 


Post a Comment

0 Comments