Garin, at dalawa pang ex-Aquino officials nais sampahan ng patung-patong na kaso ng Senado


Larawan mula sa Panay News


Inirerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga kriminal laban kay dating Kalihim ng Kalusugan at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin.

Kasama sa kakasuhin si dating Budget Secretary Butch Abad, at dating PhilHealth President at CEO Alexander Padilla tungkol sa umano'y diversion ng pondo ng PhilHealth para sa mga senior citizen premium ng barangay health centers.

Iniharap ni senador Richard Gordon sa media ang ulat ng panel sa pagsisiyasat na isinagawa noong 2019 kaugnay sa WellMed Dialysis scam.

Isa umano ang plunder sa maaaring maging kaso, ngunit hindi binanggit sa naturang ulat ang mga pangalan mismo ng sasampahan.

"The Ombudsman should conduct investigations as to the possibility of filing plunder charges against the officers responsible in PhilHealth. There is with the participation of many officers- collectively or singly,- in the pillaging of PhilHealth an urgent need to determine whether or not plunder can be filed against alleged perpetrators of these crimes,” ayon sa ulat

Inirerekumenda din ng ulat ang pagsasampa ng paglabag sa Anti-Graft and Corruption Act laban kay Garin dahil kasama ito sa mga Barangay Health Stations na mga pangunahing natuklasan nitong pagsisiyasat noong nakaraang taon.*

Sinabi ng panel na pinangunahan ni Gordon na noong 2015, P10.6 bilyon ang inilalaan para sa mga premium ng mga senior citizen at PhilHealth ngunit ang mga ito ay nalipat sa proyekto ng Department of Health sa panahon ni Garin.

“The loss of P10.6 Billion that was spent on uncompleted projects for political campaign purposes stunted PhilHealth’s financial growth. By diverting the budget, then DOH Sec. Garin and company put in disrepute the integrity of the Philhealth fund and derailed the march to efficient and reliable health insurance in this country,” ayon pa sa ulat

Sinabi din sa ulat na sa huling mga araw ng 2015 ay naglabas ang Department of Budget and Management ng P9.39 bilyon na dapat ibibigay sa PhilHealth ngunit ibinigay sa mga proyektong hiniling ni Garin kabilang ang P5.36 bilyon para sa Barangay Health Stations.*

Kasama din sa nasabing ulat ang mga natuklasan ng COA sa mga Barangay Health Stations noong 2017 kung saan nakita ang mga hindi natapos na proyekto.

“What the Committee noticed is the parallelism between Dengvaxia and the 2015 PhilHealth Senior Citizen Fund: both were intended to siphon funds from PhilHealth to finance the 2016 elections,” ayon sa ulat ng panel

Bukod sa mga kasong graft, inirerekumenda din ng Senate Blue Ribbon Committee ang pagsasampa ng mga technical malversation  at paglabag sa Seksyon 7 (1) ng RA No. 6713 o The Code of conduct of Ethical Standards for Public Officials and Employees laban kina Garin, Abad at Padilla.*

Noong 2018, nagsumite na ang PhilHealth ng reklamo laban kina Garin at Padilla sa Ombudsman para sa P10.69 bilyong pondo na inilipat umano sa mga health stations ng mga barangay.


Post a Comment

0 Comments