Ibinaon ang sariling ina sa septic tank, anak at nobyo umamin na pinagplanuhan ang ginawa


Larawan mula sa Facebook at GMA News


Sino ang mag aakala na magagawa ng isang anak na saktan ang kanyang ina, lalo pa na maging sangkot sa pagkamatay nito.

Taong 2016 pa nawawala ang biktimang si Maria Evelyn Sayos, 54 anyos  na ayon sa kanyang anak na si Joanna Marie Sayos ay pumunta ito ng Singapore dahil nagtampo raw sa mga kapatid.


Noong 2018 nang pormal na i-report ng mga kaanak ng biktima sa pulisya ang pagkawala ng ginang. 

Taon taon pa daw ay nagpapadala ng text ang biktima sa mga anak nito lalo na kung may kaarawan o espesyal na okasyon.

Ayon sa ulat  ni John Consulta sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, lumabas na pinaslang pala ang biktimang si Ma. Evelyn at itinago ang kanyang bngkay sa isang septic tank na kalapit lang ng kanilang bahay sa Dasmarinas, Cavite.

Lumitaw rin sa imbestigasyon ng mga awtoridad na minartily0 at pinagssksak muna ang ginang bago nilagay sa senementong septic tank.

Naging pangunahing suspek sa krimen ang anak mismo ng biktima pati na ang nobyo nito na kinilalang si Ronald James Rubi.


Dahil umano sa isang tip sa pulisya kaya naimbitahan ang magkasintahan upang maka-usap.*


Larawan mula sa Facebook post ni Joanna Marie Sayos

Sa pahayag ni P/Lt. Col. Richard Ang ukol sa imbestigasyon, lumabas na pinapunta ni Rubi at Joanna ang ginang sa kanila bahay at doon na nga hinampas ng lalaki ng martilyo ang biktima.

Nang makita umano na tila buhay pa ito ay pinakuha ni Rubi si Joanna Marie ng patalim para tuluyan na si Ma. Evelyn.

“May hindi tapos na septic tank doon sa loob ng kanilang bakuran, nilagay niya ‘yong patay na magulang ng babae doon, umorder ng graba, semento, buhangin, hinalo niya, tinabunan niya doon. Tapos from time-to-time na umaamoy ‘yon, ang remedy na ginawa niya is dinadagdagan niya ulit ng semento,” ayon pa kay Ang


Larawan ni Joanna Marie Sayos mula sa Facebook


May matinding galit umano si Rubi sa ginang kaya ito ginawa. Sinalaysay din ng mga suspek sa kanilang affidavit kung paano nila pinagplanuhan ang ginawang krimen.


Post a Comment

0 Comments