Chel Diokno on Duterte’s position on China: Ipaglaban mo pa rin kahit walang jet ski!



Larawan mula sa Google


Binanatan ng human rights lawyer na si Chel Diokno muli si Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa posisyon nito sa usaping West Philippine Sea laban sa China.

Sinabi ng abogado na pinakamahusay na gamitin ang international laws para ipaglaban ang karapatang pang soberanya ng bansa.



“Hindi nga natin kaya makipag-giyera, pero walang mawawala sa atin kung ipaglalaban natin yung ating teritoryo gamit ang diplomasya at international law. Kahit wala na yung jet ski, basta kahit ito lang e magawa ninyo.” Ayon sa isang post ni Diokno

Sinabi ni Diokno na alam niya na ang pakikipagdigma sa isang makapangyarihang bansa mahabang laban.

Gayunpaman, umapela si Diokno na kailangan nila lumaban kahit paano para ilaban ang teritoryo ng Pilipinas kahit na walang jet ski.

Sa kanyang ikalimang SONA nitong Lunes, muling inamin ni Pangulong Duterte na hindi niya kayang makipagdigma laban sa Tsina para igiit ang karapatan ng bansa sa South China Sea.



“We have to go to war. And I cannot afford it. Maybe some other president can but I cannot. Inutil ako diyan. Talagang inutil ako diyan. Walang magawa [I’m useless when it comes to that. Really, I’m useless to that. I can’t do anything]. I cannot,” ayon sa isang bahagi ng talumpati ng pangulo.

“China is claiming it, we are claiming it. China has the arms. We do not have it. So, it’s as simple as that. They are in possession of the property…so what can we do?”dagdag niya

Ang anunsiyo na ito ni Duterte ay kanyang nilabas bilang sagot sa mga kritisismo na wala umanong ginagawa ang gobyerno para ilaban ang karapatan ng Pilipinas sa nasabing karagatan.

“Unless we are prepared to go to war, I would suggest that we better just cool off and treat this as a diplomatic endeavor,” aniya

“The moment I send my marines there at the coastal shores of Palawan and they all get hit with cruise missiles — they have not even set sail, they’re already blown up,” dagdag pa ng chief executive


Sa kabilang banda, tiniyak ng Malacañang na hindi tumatalikod o iniiwan ng pamahalaan ang mga karapatan nito sa West Philippines Sea.

Post a Comment

0 Comments