Robredo umalma sa balitang namigay sila ng panis na pagkain sa mga frontliners: Mga promotor ng fake news lagot!


Photo courtesy of Philstar


Umalma si Vice President Leni Robredo sa paratang na namahagi ng panis na pagkain ang kanyang tanggapan para sa mga frontliners sa isang ospital sa Quezon City.

Sa ulat ng TNT Abante, sinabi ni Robredo sa kanyang Facebook page na malisyoso ang post ng isang netizen na kinilalang si Jacques Phillip na kunwari ay pinapakumpirma pa ang ulat kung totoong galing sa kanyang tanggapan ang panis na pagkain.

Pinalagan din ni Robredo ang sinabi nito na tinangka ng kanyang tagapagsalita na si Atty. Barry Gutierrez na patahimikin ang mga staff ng nasabing ospital para hindi sila maeskandalo.

Ani Robredo hindi umano bumisita sa anumang ospital si Atty. Gutierrez sa panahon ng enhanced community quarantine at general community quarantine para magtahi-tahi ito ng kuwento.

Giit pa ng bise presidente, wala ring nagrereklamo sa mga nabigyan nila ng pagkain na donasyon din naman sa kanilang tanggapan mula sa mga pribadong indibiduwal.

“If there was no malice, you should have checked first before posting. You should know that posting fake news makes you criminally liable. Let us report him plus all those who reposted. Take screenshots of everything, including those who reposted because we will go after all of them,” pahayag Robredo.

Nanawagan din si Robredo sa publiko na ipadala diretso sa kanyang official Facebook page ang screenshot ng mga fake news tungkol sa kanya. 

dagdag pa nito, sobra na ang paninira sa kanya kung kaya’t gagawan niya ito ng kaukulang hakbang ang mga naglipanang fake news.

Post a Comment

0 Comments