OK na yun, kesa wala! TF ng Kapamilya stars na balik-trabaho binawasan

Larawan mula sa Lionhearted TV


Habang hinihintay ng Kapamilya network na mabigyan uli ng prangkisa ay may naisip itong paraan para maipalabas pa rin ang mga serye na nabitin.

Ayon sa isang ulat ng Bandera, may binuo umano na Kapamilya Channel ang ABS CBN kung saan ipapalabas ang FPJ’s Ang Probinsyano bilang buena-mano.

Rerepasuhin din daw ang mga kontrata ng mga Kapamilya stars kung saan ay pag uusapan ang tatanggaping talent fee ng mga artista, meet half-way sila ika nga.

Mas maiintindihan naman ito ngayon dahil maliban sa sarado pa ang ABS CBN habang dinidinig ang pa sa Kongreso ang renewal nila ay mayroon ding pandemic sa bansa kung saan lahat ay apektado.

Dahil sa lugi at natigil ang mga commercial load na pinagkakakitaan nila, walang choice kundi magbawas ng sweldo sa kanilang mga artista at production staff.

Ayon pa umano kay Manay Lolit Solis na isang talent manager ay ire-restructure ang kanilang mga kontrata.

Mas maganda ito na kahit paano ay may plano ang ABS CBN para sa kanilang mga empleyado, kesa naman wala talagang trabaho at walang kinikita, kaya tiis-tiis muna sila.

Ramdam na din daw ang pangangailangan ng mga artista, hindi sila makatatagal na matagal na panahon wala silang trabaho, kailangan nila ng pera pang tustos sa kanilang pamilya at pangangailangan.

 

 

 


Post a Comment

0 Comments