Photo courtesy of ABS-CBN and Google |
Isang lalaking mula Negros Oriental, ang nagawang maglibot
at nakipag-inuman pa sa kanilang lugar habang hinihintay ang resulta mula
sa isinagawang swab test ng Covid 19 sa kanya.
Ayon sa article ng KAMI, ang nasabing lalaki ay na-stranded
mula Bacolod City at nakunan umano siya ng swab test nang makarating sa Negros
Oriental.
Sa ulat ni Marty Go ng ABS-CBN News, bumisita pa ang
lalaking ito sa apat niyang kaibigan sa nasabing lugar.
Agad na ipinag-utos na magsagawa ng contact tracing sa lahat
ng posibleng nakasalamuha ng nasabing lalaking ito na napag-alamang positibo
pala sa COVID-19.
Dahil dito hindi na nagawang mag-quarantine ang lalaki, nasa
60 kabahayan ngayong sa Purok 3, Barangay Bugnay sa bayan ng Mabinay ang
kasalukuyang naka-lockdown.
Samantala, kasama ang lalaking ito sa anim na kumpirmadong
kaso sa kanilang lalawigan ayon kay Mabinay Vice Mayor Ernie Jango Uy.
Kasalukuyan nang nasa 20,626 ang kabuuang bilang ng
nagpositibo sa COVID-19 ayon sa huling datos na inilabas ng Department of
Health ngayong Hunyo 5. 15,150 dito ang active cases dahil mayroon nang 4,330
na recoveries samantala 987 naman ang pumanaw.
0 Comments