Ano ba talaga! Vice Ganda: 'yung mga ‘dilawan,’ tinatawag nila akong ‘DDS’, mga ‘DDS,’ tinatawag nila akong ‘dilawan

Larawan mula sa Pinterest


Naglabas ng saloobin ang It’s Showtime host na si Vice Ganda tungkol sa usaping politikal kung saan siya ay tinatawag na “DDS” o Die-Hard Duterte Supporters ng mga bashers.

“ANG hirap ‘yung maraming tao na pilit kang hinihila pababa, bina-bash ka!” ito ang naging hugot ni Vice para sa mga taong pilit na humihila sa kanya pababa.

Napahugot si Vice dahil sa isang contestant ng Tawag ng Tanghalan na nagsabing naging matinding challenge sa kanya ang paglaban sa matinding pamba-bash nang mag-audition siya last year sa “Idol Philippines.”

Kwento ni Shan dela Vega, si Vice daw ang naging inspirasyon niya noon sa kasagsagan ng panglalait ng mga tao sa kanya. Si Vice lang din pala ang nag “Yes” sa kanya sa nasabing reality talent search.

“I feel you and I fully understand your emotions right now. Ang hirap kasi talaga ng maraming tao ang nagdududa sa ‘yo.

“Ang hirap ‘yung maraming tao na pilit kang hinihila pababa, bina-bash ka, ‘yung may mga taong nagbibigay ng pangalan sa ‘yo na parang kilalang-kilala ka nila,” ayon kay Vice

“It just takes one person na iparamdam sa ‘yo na nagtitiwala siya sa ‘yo para kumapit at hindi tuluyang mawalan ng pag-asa,” ayon pa sa host

 “Ganyang-ganyan din ako. Ang daming taong nagde-define sa akin, kung sino ako. Nakakatawa nga. ‘Yung mga sa social media, ‘yung mga ‘dilawan,’ tinatawag nila akong ‘DDS’. Iyong mga ‘DDS,’ tinatawag nila akong ‘dilawan.'”  

“Ano ba talaga ako? Bakit ‘yung mga tao ang nag-di-define sa akin? ‘Di ba dapat ako ang mag-define? At saka bakit ko idi-define ang sarili ko na DDS ako o dilawan ako.

“Deadma na. Kung iyon ang na sa isip niyo, wala na akong magagawa. Pero kung meron mang taong nakakakilala sa akin, ako ‘yun.” Ani Vice

Kaya ang payo niya kay Shan, huwag hayaang mawala ang pagkakakilala sa sarili.

“Huwag mong tatanggalin ‘yung paniniwala mo at pagkakakilala mo sa sarili mo. Ikaw lang at ang Diyos ang nakakakilala ng laman ng puso mo.” Ayon sa It’s Showtime host

 

 

 

 

 

 


Post a Comment

0 Comments