Baron ikinahihiya umano ang kayabangan ni Francis Leo Marcos

Larawan mula sa Philstar at Abante


Hindi napigilan ng aktor na si Baron Geisler ang batikusin ang di umano'y pilantropo na si Francis Leo Marcos.

Ayon pa sa aktor sa isang video, nandidiri siya sa pagsasapubliko ni Marcos sa ginagawa nitong pagtulong ngayong panahon ng COVID-19 na nakakahiya umano,


Aniya, kung gusto tumulong talaga umano ni Marcos, maaari niya itong gawin ng tahimik at hindi dapat daanin sa puro yabang.

"Napaka yabang mo, pare.Delusional ka at napaka yabang mo. " ayon pa sa aktor.

Marami daw ang tumutulong sa mga nangangailangan na hindi naman pinapangalandakan pa ang kanilang ginagawa.

"Kung gusto mong tumulong, tumahimik ka. Tumulong ka, tumulong ka sa mga barangay." Ayon din kay Baron

Kinukuwestyon din ni Baron kung mayroong motibo si Marcos sa kanyang pagtulong at possible bang gamitin ito sa susunod na eleksyon?


May mga nag tanggol din naman kay Marcos sa mga netizens na nakapanood ng video, narito ang ilan:

"Baron paano yan... Ang daming supporters ni idol Francis tas Ang daming nag comment sa mga sinasabi mo ahay nako nagpapansin ka na naman. Kung mayaman ka tumulong ka rin sa taong bayan para sumikat ka."

"Naku laking inggit na naman nya kay FLM. Wag ka na sumawsaw... kasi nanahimik si FLM para sa mga taong tinutulungan niya...payabang ka rin para sumikat ka."


"Di naman masama ang tulong sa kapwa lalo na sa mahihirap in times of pandemic."

Post a Comment

0 Comments