Photo courtesy of Facebook @Bakun MDRRMC |
Ilang mga residente sa Bakun, Benguet na mga nakalista na qualified beneficiaries ng cash aid na Social Amelioration Program (SAP) ay mga nagkusang loob na huwag ng tanggapin ang nasabing ayuda galing pamahalaan.
Ayon sa balita ng CNN Philippines, kusang loob na dumulog sa tanggapan ang ilang mga residente sa kanilang lokal na opisyal upang sabihin na sila ay hindi pasado sa cash aid program base sa mga kwalipikasyon na itinakda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Mahigit na tatlumpu't limang (35) residente ng Barangay Gambang, kabilang ang ilang mga senior citizens ang lumapit upang sabihin na hindi sila dapat makatanggap ng ayuda kahit na sila ay nasa listahan ng mga benepisyaryo ng SAP.
Mas pinili pa ng mga residenteng ito na huwag nang tumanggap ng ayuda mula sa pamahalaan upang mabigyan pa ang ibang mas higit na nangangailangan.
Labis naman na ikinatuwa at hinangaan ng Bakun Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ang ipinakitang katapatan ng mga taong ito.
Nagpapasalamat naman ang lokal na pamahalaan ng Bakud sa pinamalas na pagmamalasakit ng mga residenteng ito sa kanilang kapwa.
"Such act of kindness shows that people of Bakun truly cares for others and they unite as one in this time of pandemic," Ani ng lokal na opisyal ng Bakun sa kanyang Facebook post.
Sa kabila ng itinalagang enhanced community quarantine sa ilang mga lugar sa bansa, pansamantalang pinatigil ng ating Pangulo ang mga transakyon sa karamihan ng establisyemento upang mapigil ng pagkalat ng pandemyang COVID-19.
Kaya naman nagpalabas ng direktiba ang pamahalaan na magbigay ayuda sa mga mamayang labis na maaapektuhan ng lockdown.
Base sa nilagdaang batas ng Pangulo na kilala bilang Bayanihan to Heal as One Act, ang Social Amelioration Program (SAP) ay syang magbibigay ayuda sa 18 milyong mahihirap na pamilya sa halagang P5,000 hanggang P8,000 kada buwan.
Sa kasalukuyan. ay mayroon nang mahigit anim na milyong benepisyaryo ang nakatanggap na ng SAP mula sa pamahalaan sa loob tatlong linggo matapos itong simulan.
Bumuhos naman ang pasasalamat at paghanga ng mga netizens sa ipinakitang katapatan at pagmamahal sa kapwa ng mga residentend ito, narito ang ilang sa knilang mga komento:
"How blessed our municipality by having Honest people like you... Keep up Bakun."
" Wow, Godbless those persons with Good heart, Here in our place, same din mayayaman na qualified ung needed wala nakuha. I wonder how dswd handled their process on SAP???"
"Very good gesture of citizens in times of crisis. May other constituents be honest enough to follow their path so that government's efforts to help and reach our poorer countrymen will not be put to naught. Saludo po kami sa inyo. God bless po and stay safe!"
0 Comments