DTI nagbabala: Paniningil ng renta kahit may lockdown, maaaring ireklamo!



Photo courtesy of Yahoo Philippines


Isang magandang balita ito para sa lahat ng mga nangungupahan mapa-appartment man o commercial establishments.

Nagbabala kamakailan ang Department of Tradew and Industry (DTI), maaring mananagot sa batas ang mga maniningil ng renta sa mga nangungupahan ngayong may enhanced community quarantine (ECQ). 


Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, maituturing na paglabag sa Bayanihan To Heal As One Act ang paniningil ng renta dahil nakasaad sa batas ito na hindi na muna puwedeng maningil sa upa.
Sa ulat ng TV Patrol, base sa DTI, "'Ang Fair Trade Enforcement Bureau (isang attached bureau ng DTI) ay pwedeng tumanggap ng mga complaints at doon na idi-discuss yung kaso," ani Lopez. 
Dagdag pa ng DTI, ang naipong renta na hindi nabayaran sa panahon ng ECQ, ay maaaring bayaran ng installment sa loob ng anim (6) na buwan.
Nagpahayag naman ang grupong Bayan Muna, patungkol umano sa mga reklamo ng mga ilang residente na sinisingil sila ng upa sa bahay kahit umiiral ang lockdown.


"Intindihin po sana natin na hirap na hirap na rin po ang mga kababayan at kung anong meron silang pondo, ang pangunahin nilang tinututukan ay ang kanilang pagkain at iba pang basic needs," pahayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate. 
Sa panayam kay Eric Agulay, na nagpapaupa ng commercial building, nakiusap na sa kanya ang mga tenant na bigyan sila ng palugit sa pagbabayad. 
Subalit pakiusap naman ng mga landlords na gay ani Eric, sana daw ay matulungan din sila ng pamahalaan ngayong tinamaan din ang kanilang negosyo dahil sa COVID-19. 
"Meron din kaming binabayaran, gaya nila nagpapaaral din kami... Para sa aming nagpapaupa, kasama rin kami sa naapektuhan," ani Agulay. 

Maging ang mga tenants sa mga malls ay dapat din bigyan ng palugit sa pagbabayad ng upa. Ngunit, ayon sa DTI, may ilang mall owners naman umanong hindi muna maniningil ng upa habang naka-lockdown. 
Nakasaad din sa batas, na hindi maaaring magpalayas ng mga tenants na hindi nakakabayad habang nakababa pa ang ECQ.
“Yan po mismo ang binilin ni Presidente, na huwag mong palalayasin ang hindi nagbabayad, sabi nya, pupuntahan ko kayo at ako ang magbabayad nyan” ani DTI Sec. Lopez.






Post a Comment

0 Comments