Disinfect your gates! Pagpapahid ng laway ng isang babae sa mga gate, sapul sa CCTV sa Makati

Screenshot mula sa video ni Mervin Madrid


Sapul sa CCTV ang di umano'y pagpapahid ng laway ng isang babae sa mga gate na kanyang madadaanan sa Makati.

Ibinahagi ng isang netizen na si Mervin Madrid ang CCTV footage na nakunan sa labas ng kanilang gate kung saan ay kitang kita ang ginagawa ng babae.


Ayon sa post ni Mervin, ang kuha na ito ay sa Aster St. Barangay Pembo Makati.

Sa naturang video, hindi lamang ang bahay ni Mervin ang pinahiran ng babae kundi maging ang mga katapat na gate sa kanilang lugar.

Pinayuhan din ni Mervin ang mga netizens na ugaliing mag disinfect para makasiguro lalo na kung may ganitong pangyayari.

Narito ang kabuuan ng post ni Mervin:

Hi Guys!

Di po ako pala post ng ganto.



Sa mga kinauukulan po gusto po namin ipag bigay alam na kung sino po ang nakakakilala sa babaeng ito na nagkakalat po ng LAWAY di namin alam If may sakit po sya. What if PUI po sya, what if COVID POSTIVE po sya? Under cctv po nagpapahid po sya ng laway sa gate namin... And after po nagpahid din sya sa katapat naming bahay. WHAT IF KUNG SA IBANG BAHAY GINAWA RIN PO NYA YAN? ANO PO KAYANG PURPOSE NYA? Nag reklamo at pumunta na po ako sa baranggay PEMBO ang sabi lang po bat daw di namin tinawag yung babae sabi sa baranggay. Eh Bakit naman po namin tatawagin what if may covid po sya? For precautionary measures di namin tinawag. Kase may dalawa kaming SENIOR CITIZEN and TODDLER sa bahay. And next po bakit di daw kami tumawag sa BARANGGAY para ma respondehan agad. Kami mismo di na namin naabutan kasi nireview lang namin yung CCTV turned out ayan ang ginawa nya. And sabi rin po ng baranggay PEMBO "anlakilaki ng PEMBO paano namin mahahanap?" I know busy ang frontliners natin pero ang di nila pagbigay ng pansin dito ay pwedeng makapahamak sa ating lahat. so it means wala silang pake.


SHE'S ALSO AT RISK AND NEED PO SYANG MAHANAP FOR HER SAFETY.

SA MAY ASTER ST. ZONE 13 PO ITO.


Please SHARE THIS GUYS AND STAY SAFE.


ALWAYS SANITIZE!

THANK YOU.

Post a Comment

0 Comments