74 na lang ang bagong nadagdag! Kaso ng COVID-19 sa bansa, umakyat na sa 3,094






Kumpara sa mga nagdaang araw na umaabot sa mahigit 300 ang nadadagdag sa mga bagong kaso ng COVID19, nagpapakita na sa wakas ng magandang senyales matapos ang ilang linggong pagkalat ng virus sa bansa.

Sa huling tala umano ng Department of Health ngayong araw, 74 na lang ang nag positibo sa COVID19.


Samantala, walo naman ang nadagdag sa bilang ng mga pumanaw dahil sa coronavirus disease at lima ang naitalang naka recover ngayong araw.

Sa kasalukuyan, nasa 3,094 na ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus, 57 na mga gumaling at 144 na namatay sa sakit.

Samantala, inaasahan namang darating sa bansa bukas April 5 ang limang chinese na medical experts para tumulong sa paglaban sa COVID-19.

Ayon pa sa ulat ng ABS CBN news, sila rin ang mga doktor na tumulong sa Wuhan city kung saan lubhang dumami ang nagkasakit. Ang Wuhan ay unti unting nakabangon mula sa krisis na dala ng coronavirus.


Kasalukuyan pa ring naka enhanced quarantine ang buong Luzon dulot ng nasabing virus at patuloy pa rin ang paalala ng pamahalaan na huwag munang lumabasa ng bahay at iwasan ang mass gathering upang maiwasan na kumalat pa ang COVID-19.

Post a Comment

0 Comments