'Wala akong nakita na puwede talaga maging presidente': Duterte says yet to see one who could be next president





Para kay Pangulong Rodrigo Duterte, wala pa umanong pwedeng pumalit sa pagiging pangulo sa mga politiko ngayon.

“Wala pa akong nakita na new crop of politicians sa ating bayan, frankly, wala akong nakita. Wala akong nakita na puwede talaga maging presidente,”  ayon kay Duterte sa isang speech niya sa Malacanang nitong Martes


“Alam mo sa totoo lang, presidente ka, hindi ka marunong pumatay at takot ka mamatay eh wag ka na mag presidente.

“Walang mangyari sayo. Wala mangyari sa bayan. Kung puro utos ka lang, in the end, ikaw pa yung kontrabida,” dagdag pa ng pangulo

Naging vocal din ang pangulo na ayaw niyang tumakbo bilang presidente ang kanyang anak na si Sara "Inday" Duterte-Carpio na ngayon ay Mayor ng Davao City.

Malakas ang spekulasyon ng karamihan na maaring sumunod sa yapak ng ama si Inday Sara at ito ang susunod na maging pinuno ng bansa.

“I’m publicly warning her: The presidency will not educate you, it will just destroy you, especially with the kind of media ngayon, paid hacks, mga hyena,” ayon sa pangulo noong 2019


Samantala, nanatiling mataas ang approval rating ni Pangulong Duterte sa kabila ng mga kritisismo sa kanyang drug war. 

Post a Comment

0 Comments