Apat na buwang buntis na nurse, patuloy ang paglilingkod sa ICU sa kabila ng banta ng COVID-19

Photo courtesy of Facebook and GMA news


Sa Patuloy na pagtaas ng bilang ng mga COVID-19 patients sa bansa, kabi-kabila pa din ang nagmamalasakit sa ating mga kababayan, una na nga dyan ay ang buwis buhay at buong tapang na pagharap ng ating mga frontliners sa pagsugpo ng Pandemya.

Kabilang na rito ang isang nurse na umano'y apat na buwang buntis at ngayon ay malayo pa sa kanyang mga mahal sa buhay kaya isang malaking sakripisyo ito para sa kanya.


Kinilala ang nasabing nurse na si Khristine Caryl Decipulo, isang ina ng 3 anyos na bata at kasalukuyang buntis ng apat na buwan at isang nurse mula sa isang pribadong ospital sa Parañaque City. 

Paliwanag ni Khristine, nababawasan na ang mga health workers at siya ay may lakas pa naman para tumulong sa ating mga kababayan. 

Bagaman kasalukuyang naka-assign bilang  nurse sa intensive care unit (ICU), nakakaramdam pa din ng takot si Khristine na baka siya ay mahawaan. 

Kaya naman doble ingat na lamang ang kanyang ginagawa at naging motivation sa kanya na tungkulin ito bilang isang nurse na alagaan ang may mga sakit. 


Dagdag pa ni Khristine, may tungkulin daw silang sinumpaan kaya marapat lang na sila ay maglingkod ngayong may krisis di lamang sa ating bansa maging sa buong mundo.

Bagama’t hindi sa COVID-19 patients naka-assign si ginang Decipulo, hindi naging hadlang ang mga ito upang patuloy niyang gampanan ang kanyang pagiging nurse. 

“Unti-unting nauubos mga nurses natin, mga frontliners natin kasi isa-isa silang nagkakasakit. Parang ako naman, kaya ko pa naman eh, bakit hindi ako tumulong pa?” sabi ni Khristine. 

“May sinumpaan kasing tungkulin. Nag-pledge tayo na tutulong tayo, ‘di ba? Alam mo ‘yung tawag ng tungkulin, calling talaga ang pagiging nurse,” dagdag niya pa. 


Sinamantala na din ni Khristine na manawagan para sa mga kapwa nya nurse sa kanyang Facebook post:

"Tawag ng tungkulin, calling talaga ang pagiging Nurse"

Sa mga kapwa ko Nurse at sa lahat ng frontliner, Kaya natin ito! Tulong-tulong tayong lahat upang matapos na itong laban natin sa Covid-19 outbreak.

Nawa'y marinig ng kataas-taasan ang ating konting hiling na "hazard pay" at tamang benepisyo na dapat maibigay.


May kanya kanya tayong sinasakripisyo, tinitiis naming mawalay ng matagal sa aming mga kapamilya upang kayo'y mapaglingkuran.

Nawa'y isakripisyo niyo rin ang pananatili sa bahay. Sa ganitong paraan, malaking tulong na rin ang nagagawa niyo para sa aming mga frontliners.

Kaya natin ito! 

Post a Comment

0 Comments