Robredo, malaking pagkakamaling ibinoto ng mga Pilipino– Duterte

Bise Presidente Leni Robredo / Larawan mula sa ABS CBN




Sinagot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naging pahayag ni Bise Presidente Leni Robredo nitong Lunes tungkol sa umano’y hindi epektibong drug war ng pamahalaan.

Sinabi ng Pangulo na ang pagka panalo ni Robredo ay isang malaking pagkaka mali ng mga Pilipino bumoto dito dahil sa ilang taon niya sa pwesto, wala pa rin umano itong nagagawa para sa bansa.



Sa ilang araw umano ni Robredo bilang Co-Chair sa ICAD, kung makapag salita ito ay tila ang dami na nitong alam tungkol sa gyera ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

“She has been there 18 days. You know I hate to say this, but how many voters are there in the Philippines? Just do away with the two hundred thousand plus that she got as a majority over Marcos. It was really a mistake.

With a slim margin and you talk big. You know for all of these years, she has done nothing. She is a collossal blunder, colossal blunder,” ayon kay Pangulong Duterte



Dagdag ni Duterte, imbes na pagsabihan siya ni Robredo kung paano dapat pamahalaan ang Inter-Agency Committee on Anti-Ilegal Drugs (ICAD), sinabi ng Pangulo na mas mabuting gawin na lang niya ito sakaling maging Presidente siya ng bansa.

“If ever, kung sakali lang, maging Presidente siya gawin niya ‘yan, She does not lecture on me. I do not have the slightest as a lawyer, lecturing on me when she should revisit her record. I suggest,” ayon pa sa Pangulo

Naunang nag mungkahi si Robredo na ilipat ang ICAD sa pamumuno ng Dangerous Drugs Board sa halip na isailalim ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil bigo umano ang ahensya.







Post a Comment

0 Comments