Pagtanggap ni Mayor Isko ng modelling projects, binatikos ng netizen: 'Dilaan mo billboards mo. Hypocrite!'




Kamakailan lang ay nag viral ang isang post ng isang netizen na si Fudge Tajar pa tungkol sa pagtanggap ng ibang trabaho bilang pagmomodelo ni Mayor Isko Moreno. Nag viral ito at umabotnang 5.7k shares.

Binatikos ni Tajar, isang abogado ang umano’y paglabag ng alkalde sa batas bilang isang public servant.



Narito ang buong post ni Tajar sa kanyang social media account:

Vandalism. Lakas maka-invoke na sumunod sa batas eh s’ya yung lumalabag. Kapag ikaw, okay lang?”

For elective local government officials, Section 90 of RA 7160 (Local Government Code) governs:

SEC. 90. Practice of Profession.

(    a)  All governors, city and municipal mayors are prohibited from practicing their profession or engaging in ANY OCCUPATION other than the exercise of their functions as local chief executives.



Anong mahirap intindihin sa ANY OCCUPATION? Dilaan mo kaya billboards mo. #hypocrite” 

Buwelta naman ng isang taga suporta ni Mayor Isko “Paano niyo po matatawag na “PROFESSION AND OCCUPATION” ni Mayor Isko yung ginagawa niyang pagmomodelo kung di naman siya kumikitandito? Yung buong bayad sa kanya ay deretso na pumupunta sa mga charitable organizations. Yung tseke ay di nga nakapangalan sa kanya eh.”

“Obviously, ang ipinagbabawal sa batas ay kapag pinagpatuloy mo yung pinagkakakitaan mo kahit nahalal ka na bilang opisyal ng bayan. Halimbawa, mayor ka pero pumapasok ka pa rin sa trabaho mo bilang doctor, accountant, abogado, o di kaya’y guro. I’m certain na yan yung nasa isip ng mga gumagawa ng LGC hindi yung mayor na nagmomodelo para sa charity.” –Yorme Isko Nationwide Supporters



Samantalang nagbigay naman ng ilang saloobin ang mga netizens:

Reese Ricafort Mojica: “He donates the money in full (daw) sa PGH and other charities. He also accepted a modelling job sa IAM coffee ata where he was paid and he also put it to charitable causes. So I guess even if illegal technically, if it goes to these causes, no one is going to complain.”

Robles Artforms: “Laki ng galit mo ah… ikaw na lang kaya pumalit sa kanya at ayusin mo ang manila mukha naman magaling ka e.”

Post a Comment

0 Comments