A modern hero! Pumanaw ang binatilyong tumulong sa mga evacuees ng bulkang Taal



Photo courtesy of Facebook



Viral ang post ng isang guro sa pagkamatay ng kaniyang dating estudyante na si Rio John Abel. Kalunos-lunos ang nangyaring ito matapos mamigay ng tulong sa mga evacuees, nabangga ng truck ang kanyang minamanehong sasakyan.

Ayon sa kanyang dating guro na si Maria Cristina Floren naaksidente si Rio John Abel madaling araw nang January 14 kasama ang kanyang kaibigan. Ang aksidente ay naganap sa may Banay-Banay, Lipa, Batangas, nangyari ang mismong aksidente pagkagaling sa pag distribute ng mga relief goods sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal.



Ayon kay teacher Maria Cristina, nangatal ang kanyang buong katawan at di mapigilang mapaiyak. Makikita sa mga kuhang larawan ng kanyang dating guro na wala ng buhay ang binata at nayupi ng todo ang minamanehong sasakyan dahil sa lakas ng impact nito.

Napaiyak at nalungkot ito dahil sa nangyaring hindi maganda sa kanyang dating estudyante. Dagdag pa niya, makulit ngunit mabait na bata si Rio John. Kaya naman sobrang proud nito dahil sa pagiging mabait at mapagbigay na bata. Kahit sa huling sandali nito ay nais nitong tumulong sa mga taong apektado ng bulkaang Taal.

Ayon sa post ng kanyang dating guro “The moment na narinig ko ang iyong kuwento, agad ako nalungkot at nanlumo pero nang dahil sa iyo, nabuhayan ang loob ko at nabuo ang pananalig na may pag-asa at kabutihang dala ang ating kabataan ngayon. Binigyan mo ng magandang halimbawa, na ang kabataan ay may magagawa sa oras ng sakuna at pangangailangan. Sa pamamagitan ng post na ito ay binuhay naming ang iyong alaala at hindi naming makakalimutan ang nagawa mo sa pagtulong sa mga nasalanta”.



Nagawa pa raw ni Rio John na tumawag upang makahingi ng tulong dahil sa naiipit ang paa nito, ngunit kalaunan ay pumanaw rin ito.

Narito ang iilang comments ng mga netizens:

Rio John Abel, a modern hero. May you rest in peace.We assured you that me and ka barangays will help your kababayan to face this catastrophe. We will continue your mission to help others whose in need”.



“My deepest sympathies to the bereaved family, you’re now in heaven RIO, no more pain and sorrow in the hands of the Lord, may he give comfort to your love ones in their mourning times, we love you…”

Post a Comment

0 Comments