Yeng Constantino appeals to Pres. Duterte on ABS CBN renewal: 'Baka maaring hindi maputol ang source of income namin'

Yeng Constantino at Pangulong Rodrigo Duterte / larawan mula sa PH News at PEP




May panawagan ang singer at song writer na si Yeng Constantino kay Pangulong Rodrigo Duterte na pag isipan umano Mabuti ang plano nitong pagharang sa franchise renewal ng ABS-CBN Corporation.

“Sir, saludo po ako sa marami niyong ginagawa. Katulad ng paglilikom ng mga pondo para sa bansa natin para sa investment. Syempre nakikita namin yun and we admire you,” ayon kay Constantino



“Maybe there are things that hindi agree about, (but that) does not mean lahat ng flaws po nyo nakikita namin. I don’t know what’s right and wrong for you at ano ang pinakaugat at puno nito bakit humantong sa ganito.

“Pero sir, sana po ma-consider po ninyo ang ibang artists na nagtatrabaho sa industriyang ito na tulad namin. Baka lang po, kumakatok lamang kami sa puso ninyo na baka maaari naman na hindi maputol yung source of living namin,” ayon sa mang aawit

Kamakailan lang ang sinabi ng Pangulo na kanyang haharangin ang pag rerenew ng prangkisa ng ABS CBN sa 2020.



“Ang inyong franchise mag-end next year. If you are expecting na ma-renew ‘yan, I’m sorry. You’re out. I will see to it that you’re out,” ayon kay Duterte

Kung matatandaan ay inakusahan ng Pangulo ang media giant na hindi nito ipinalabas ang kanyang campaign ad noong 2016.



Inihayag din ng Pangulo na ang ABS-CBN ay nagpalabas ng anunsiyo ni Senador Antonio Trillanes na nagpapakita ng mga batang artista kung saan ay tinawag na mamamtay tao si Duterte.

Si Constantino ay ang  “Grand Star Dreamer” ng isa sa mga singing competition ng Pinoy Dream Academy sa ABS CBN noong 2006.

Siya din ang nagpasikat ng kantang “hawak kamay” , “Chinito at marami pang iba.


Source: Politiko


Post a Comment

0 Comments