New Year's wish ni Pangilinan:′20-20' vision for Filipinos to see PH real problems, focus on climate crisis, food security



Senator Kiko Pangilinan / photo from Google (ctto)


Sa pagpapalit ng taon, umaasa si Senador Kiko Pangilinan na sa 2020, ang mga Pilipino ang  makakakuha ng malinaw o "20-20 vision” sa totoong problema ng socio-political at pang ekonomiya na syang nagpapabagsak umano sa bansa.

“As 2019 winds down and we look toward 2020, let’s make a commitment to continue standing up for our rights and what is true, and for our future and our children,” ani Pangilinan sa kanyang new year eve statement.



“Nawa’y maging 20-20 ang pagtingin ng taumbayan sa katotohanan sa 2020. Gawin nating mas makahulugan ang bagong taon, at mas magiging masaya tayong lahat!” dagdag pa niya

Ayon sa senador, sa pagpasok ng taon, haharapin muli ng mga mamamayan ang panibagong hamon bunsod ng TRAIN Law, mababang kita ng mga magsasaka, at krisis sa klima.

“We will be faced with fresh challenges anew — higher prices triggered by TRAIN (Tax Reform Acceleration and Inclusion) Law, low farmers’ incomes, climate crisis,” aniya



“Lindol at bagyo ang pa-ending sa atin ng 2019. Sa kabila ng kasiyahan, alalahanin natin ang mga kababayang nawalan ng bahay, hanapbuhay, at buhay dala ng mga natural disasters. Mas malaking sakuna kung pababayaan natin ang mga nasalanta at iisnabin ang mga banta ng climate crisis. Dahil ang climate crisis ay krisis ng sangkatauhan.

Produksyon ng pagkain o ang pagsasaka at pangingisda ang mga unang naaapektuhan nito. (At dahil sa epekto ng Rice Tariffication Law, doble-doble ang pasanin ng ating magpapalay.)

Tulad ng pag-alaga o pagsalaula natin sa ating nag-iisang planeta, ang pag-alaga o pagsalaula natin sa ating mga magsasaka at mangingisda ay babalik sa atin. Kung malusog ang mundo at mga nagdadala ng biyaya sa ating mga hapag-kainan, malusog din tayong lahat.” Pahayag ni Pangilinan



Post a Comment

0 Comments