Mas marunong pa! US Senate panel passes resolution calling for De Lima’s release, slamming Ressa’s ‘harassment’



Larawan ni Senador Leila De Lima at senador ng US na si Ed Markey mula sa CNN at Politiko


Ayon sa ulat ng Politiko, inaprubahan na umano ng United States Senate foreign relations committee ang isang resolusyon para ikondena ang gobyerno ng Pilipinas laban sa patuloy na pagpapakulong kay Senador Leila De Lima.

Ang US Senate Resolution 142 na isinampa noong Abril 2019 ay nagkokondena ng pagkakaaresto kay De Lima kasama na ang harassment umano sa mga journalists katulad nalang ng Rappler CEO na si Maria Ressa.



Kasama din dito ang umano’y extrajudicial killings na ginawa ng pamahalaan kaugnay sa giyera ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ilegal na droga.

Hinihimok din ng nasabing resolusyon si US President Donald Trump na patawan ng parusa ang  mga opisyal ng Pilipinas na kasangkot sa pagpapakulong kay De Lima at EJK.

Nararapat umano na bawian ng US visa ang mga sangkot na opisyal at i-freeze ang kanilang mga assets.



Ayon sa senador ng US na si Ed Markey na nagsampa ng resolusyon, ang pagkakapasa ng resolusyon ay nag  "demonstrates broad support for accountability in [De Lima's] case and others."

Kasama ni Markey ang apat na US senators na sina Senators Marco Rubio (Florida), Richard Durbin (Illinois), Marsha Blackburn (Tennessee), and Chris Coons (Delaware) na gumawa ng resolusyon.

Sa isang pahayag, nagpasalamat si De Lima sa kanyang mga US counterparts sa pag sasampa ng nasabing resolusyon para sa kanya.



"I've believed that standing strong for one's convictions and fighting always for what is true and just for human rights and humanity have many friends around the globe," ayon sa senadora

Si De Lima ay naka kulong sa Camp Crame simula 2017 dahil sa pagkakasangkot niya sa ilegal na droga noong siya ay nagsilbing Chief Justice. 

Isa rin siya sa mga bokal na kritiko ni Pangulong Duterte at ng administrasyon ng nito.





Post a Comment

0 Comments