Kung ban kami, ban din kayo! Duterte inutusan ang Immigration na huwag papasukun ang 2 pro-De Lima US senators



Mga larawan mula sa Google (PCOO and Philstar)



Inutusan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Immigration (BI) na huwag papasukin sa bansa  ang mga Amerikanong Senador na sina Richard Durbin at Patrick Leahy, ito ay ayon sa pahayag ng Malacañang nitong Biyernes (Disyembre 27).

Sina Durbin at Leahy ay nasa likod ng probisyon sa United States 2020 national budget na nagbabawal sa pagpasok ng mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na may kinalaman sa pag kakakulong ni Senador Leila De Lima.



“The President is immediately ordering the Bureau of Immigration to deny US Senators Dick Durbin and Patrick Leahy, the imperious, uninformed, and gullible American legislators who introduced the subject provision in the US 2020 Budget, entry to the Philippines,” ayon kay Spokesperson Salvador Panelo sa isang press briefing.

Sinabi ni Panelo na hindi magsasawalang kibo ang gobyerno ng Pilipinas kung patuloy sa pangingialam ang mga senador ng US.

Naunang lumabas na ang kontrobersyal na probisyon sa national budget ng US ay nagpapahintulot sa Kalihim ng Amerika na si Mike Pompeo na mag-aplay ng “sub-section (cto foreign government officials about whom the Secretary has credible information have been involved in the wrongful imprisonment of… Senator Leila De Lima who was arrested in the Philippines in 2017.”



 Ang sinsabing sub-section ( c ) ay tumutukoy sa Global Magnitsy Human Rights Accountability Act, isang batas ng Amerika na nagpapahintulot sa kanilang gobyerno na ipagbawal ang pag pasok ng mga pinaghihinalaang may paglabag sa karapatang pantao mula sa pagpasok sa US, pati na rin ang pag-freeze ng kanilang mga assets.

Si De Lima ay naka kulong simula February 2017 dahil sa iba’t ibang kaso na may kinalaman umano sa bentahan ng ilegal na droga.

Samantala, nanindigan din ang senador na gawa-gawa lang ang mga naging akusasyon sa kanya at tinawag itong ‘political persecution’.



Post a Comment

0 Comments