Kris Aquino, may panawagan para sa kapatid: 'Give Noy the respect and kindness he deserves'

Kris Aquino at former President Noynoy Aquino / photo from Google



Binasag na ni Kris Aquino ang kanyang pananahimik tungkol sa kalusugan ng nakakatandang kapatid na si dating Pangulong Noynoy Aquino.

Nitong Lunes, December 9, 2019, nilinaw ng aktres ang mga naglabasang balita tungkol sa kondisyon ni Noynoy.


Sa kanyang Instagram post, hiniling ni Kris na bigyan ni respeto ng mga tao ang kanyang kapatid sa pagiging pribado ng buhay nito.

“In the midst of deeply divisive politics in our country, I still believe that we remain a CARING & COMPASSIONATE people. News has circulated about my brother's health & current hospitalization... he chooses to live his life privately and that has its advantages, but can also open him up to some unnecessary speculation.

“I am not at liberty to speak for my brother, but as the mother of his text mate, josh, someone who loves his Tito Noy, with his whole heart- I hope we can all give him the respect & kindness our fellow man deserves.” ani Kris


Binigyan diin rin ni Kris na ang mga naglabasang spekulasyon ay "fake news" at sinabing walang balak na umalis ng bansa si Noynoy.

“I had seen some of the speculations, and unlike those na trip mag imbento, i did my research, swipe to the next picture: from an article dated August 23, 2019, the SANDIGANBAYAN LIFTED the hold departure order against him,


“So please stop showing the world na puro fake news ang alam nyo by making this out to be a ploy about Noy wanting to leave the Philippines for treatment because for more than 3 months he could have easily traveled abroad, he chose not to because there's nowhere else he'd rather be than home šŸ‡µšŸ‡­. #facts” ayon pa sa aktres



Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments