U.S. President Donald Trump kasama si President Rodrigo Duterte in 2017 |
Pormal nang
tatanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paanyaya ni US President Donald
Trump na bumisita sa Amerika, ayon sa pahayag ng Malacañang noong Biyernes
(Disyembre 27).
Ayon kay Presidential
Spokesperson Salvador Panelo hindi kalianman ninais ng Pangulo na bumisita sa
bansang Amerika.
“He said he
would respond to the invitation and will decline,” ani Panelo sa isang press briefing.
Samantala,
nilinaw din ni Panelo na walang kinalaman ang hindi pagbisita ni Duterte sa
pagpirma ni Trump sa US 2020 national budget.
Ang national
budget umano ng US ay naglalaman ng probisyon na ipinagbabawal ang pagpasok sa
US ng mga opisyal ng Pilipinas na kasangkot sa pagpapakulong kay Senador Leila
De Lima.
Ayon sa mga
ulat, ang mga US Senator na Democrat tulad na sina Dick Durbin at Patrick Leahy
ay ang nasa likod ng pagsasama ng probisyon sa pagbabawal ng mga jailer ni De
Lima sa package ng paggasta ng gobyerno ng US.
Noong 2017,
inanyayahan ni Trump si Duterte na bumisita sa Washington. Samantala, 2018
naman ng sinabi ng Pangulo na si Trump ay kanyan idolo dahil tinutupad nito ang
kanyang sinasabi.
“Trump is
my idol. Why? Because he walks the talk. When he says that I will do this, he
does not care,” ayon sa Pangulo
0 Comments