Mga larawan mula sa Sunstar at Philstar (ctto) |
Muli na naming tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangangailangang
pag gunita sa ika-500 anibersaryo ng pananampalataya ng Kristiyano sa bansa.
Sa 2021 ay magmamarka qnf ikalimang sentenaryo o ika-500
anibersaryo ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
“Why will I celebrate? Bakit ako mag-celebrate sa put*ng
in*ng yan? 500 years of what? Of oppression?” ayon sa Pangulo habang ipinamamahagi
ang mga Certificates of Land Ownership Award sa mga beneficiaries mula sa
Bangsamoro region nitong Lunes ng gabi.
“Ang ginawa nila dito, mag celebrate ako 500 years pagdating
nila? Put*ng in* sinuswerte kayo. Eh yung mga Pilipino na pinatay nila? Yung
mga Moro na minassacre nila? Yung mga Bisaya… Noong unang panahon ‘pag di ka
magsimba, (patay ka),” dagdag niya
Noong September 2019 naunang sinalungat ng pangulo ang pag gunita
sa ika-500 anibersaryo ng kristiyanismo sa bansa.
"Bakit magbibigay ako ng selebrasyon sa pagdating ng
mga banyaga na Espanyol dito? " ayon noon kay Duterte
Nilinaw din ng pangulo ilang buwan na ang nakakaraan na
hindi umano siya galit sa mga pari kundi sa nangyari daan taon na ang nakakaraan.
"Sabihin natin na natuwa tayo dahil dumating sila dito,
pero sila rin ang pumatay sa ating mga Pilipino na may prinsipyo, [like] Rizal,
Bonifacio," ayon kay Duterte
Ang Pilipinas ay nasa ilalim ng kapagyarihan ng Espanya sa
loob ng 300 taon. Nakamit ng bansa ang Kalayaan mula sa pananakop ng mga Espanyol
noong Hunyo 12, 1898.
0 Comments