Why President Duterte did not appoint Robredo as Cabinet

Photo courtesy of Philstar


Nagbago ang isipan ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagtatalaga kay Bise Presidente Leni Robredo, co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs, para maging miyembro ng Gabinete ng administrasyon.

Sa pakikipag-usap sa mga mamamahayag noong Martes, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang "missteps" ni Robredo na nag-udyok kay Duterte na huwag na siyang bigyan ng ranggo ng Gabinete.



“The Vice President talking with — and seeking the advice of — certain foreign institutions and personalities that have prejudged the campaign against illegal drugs as a violation of human rights, as well as a crime against humanity, did not sit well with the President,” ayon kay Panelo.

“The VP’s actions are all documented in mainstream and social media. These missteps not only derailed PRRD’s well-meaning intent for the Vice President to be part of the Administration, but registered red signs that could not be ignored,” dagdag niya

Sinabi ni Panelo na ang pag giit ni Robredo na makakuha ng access sa mga dokumento at impormasyon tungkol sa kampanya lavan sa ilegal na droga ay dumagdag sa pag-aalangan ng Pangulo.



“Her requests for unrestricted data to help her fulfill her role is an admission that the earlier criticisms of the political opposition to which she belongs against the anti-drug operations have no factual basis,” ayon sa spokesman

“Being a member of the Cabinet gives Ms. Robredo unlimited access to sensitive State matters which if transmitted by her whether purposely or otherwise could result to adverse consequences, especially since the VP has the tendency to be generous with acquired information and knowledge to others whose predilection may not be in the best interest of the country,” dagdag ni Panelo.

Nauna nang binalaan ng Pangulo si Robredo na maaring mawala ang pagiging co-chair niya sa drug war kung magbabahagi siya ng mga classified na impormasyon.



Samantala, noong Lunes ay nag bigay ng assurance sa publiko na wala siyang ibubunyag na sensitibong impormasyon.


Source: Politiko

Post a Comment

0 Comments