Singer na si Leah Navarro dineklarang ‘persona non grata’ sa Gen San over ‘retribution’ tweet



Singer na si Leah Navarro / compiled photo from Philippine Entertainment portal

Matapos mag trending ng kanyang tweet tungkol sa Mindanao earthquake ay idineklarang "persona non grata” ang singer na si Leah Navarro sa General Santos city.

Dahil dito ay hindi na maaring mag perform ang mang-aawit sa nasabing syudad.



“That no permit shall be given to any person where Leah Navarro is featured as a performer in any show, whatsoever, in the City of General Santos.”ayon sa resolusyon

Sa isang tweet ni dating Supreme Court Spokesman  Theodore Te noong October 1 nag simula ang lahat, kung saan tinanong nito ang kanyang mga followers ng: “What’s with all the earthquakes in Mindanao?”

Dito nag comment si Navarro ng “Retribution?”. Si Te at Navarro ay parehong kilala na kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.



Kinondena ng mga netizens ang dalawang personalidad dahil tila pinulitika ang nangyaring kalamidad sa Mindanao.

Ayon naman sa isang ulat ng Pinoy Trend, sinabi ni City Councilor Franklin M. Gacal Jr.  na may akda ng nasabing resolusyon, ang tweet ni Navarro ay kaugnay pa rin sa pulitika.

Samantala, ayon sa ulat ng KAMI ay humingi na umano ng tawad si Navarro ngunit wala umano siyang magagawa kung siya ay hindi mapapatawad ng mga taga Mindanao.

“I apologized and deleted my tweet. It is their right not to forgive me. There’s nothing I can do about that,” Ayon sa singer


Source: KAMI






Post a Comment

0 Comments