Inday at Marjorie Barreto /larawan mula sa Instagram at PEPph |
Nagsalita na ang ina ng mga Barreto sisters matapos kumalat
ang video ni Marjorie kung saan sinabi nito na may “inday” siyang gustong sapakin.
Ayon sa ulat ng Abante, nag post ng Instagram story si Estrella
na mas kilala bilang Inday, sinabi nito na siya ang tinutukoy na “inday” ng
kanyang anak na si Marjorie sa naturang video.
Ayon kay Inday, nangyari umano ito matapos nilang magkaroon
ng malaking away ni Marjorie tungkol sa bahay na pag aari nila sa Subic. Ito
rin ang bahay na napabalitang gusto umano kunin ni Julia Barreto kapalit ng
pagpapagamot sa lolo nitong si Miguel.
“I am the Inday Marjorie was referring to after a big fight
in the hospital about the Subic home we own,” sabi ng ina ng mga Barreto na
binahagi naman ni Claudine sa kanyang Instagram wall.
Nasaktan din daw si Inday nang mapanood ang kumakalat na
video at nakiusap na din kay Marjorie na huwag nang idamay ang kanyang pangalan
sa bangayan ng magkakapatid.
“Marjorie, Claudine said everything, please don’t drag my
name Marjorie,” giit niya.
“Didn’t
know you were doing DAMAGE CONTROL BY USING ME,” Dagdag pa ni Inday.
Sa
nasabing video clip ay makikita sina Marjorie, ang mga anak niyang sina
Claudia, Leon, at Dani, at pati na rin si Xavi Panlilio, asawa ni Dani.
Ito ay
nakunan umano sa hallway ng ospital ng St.Lukes sa Taguig kung saan naka confine
noon ang ama ng magkakapatid na Barreto.
Kung
papakinggang mabuti ang video, maririnig dito ang pagsabi ni Marjorie sa
kanyang kausap na, "Super drama to death si ano, si Inday."
Mabilis namang sumagot ang kasama nito at nagtanong ng, "Why, what
happened?"
"Masyado siyang dramatic. Baka masapak ko." Dagdag pa ni
Marjorie sa kausap.
0 Comments