Pangulong Rodrigo Duterte at Bise Presidente Leni Robredo |
Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Bise Presidente Leni Robredo na tatanggalin nya ito bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs kung maglalabas siya ng mga lihim ng gobyerno na banta sa seguridad ng bansa.
Ang sinabi na ito ng Pangulo ay ayon sa isang ulat ng GMA News mula umano sa panayam nitong weekend.
“There’s a limit to that. I know that she’s a lawyer and she has other advisers,” Ayon kay Pangulong Duterte
Binigyang diin ng pangulo na may mga bagay na dapat hindi makalabas at maaring maging dahilan ng banta sa seguridad ng bansa.
“There are certain matters that should be kept with the government, that classified matters cannot be shared. Once she does that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state,” dagdag pa nito
Sa nasabing panayam sa pangulo, sinabi rin nya na siya ay nagkakaroon na ng sakit dahil siya ay tumatanda na.
"Lahat ng sakit, nandito na sa 'kin kasi matanda na ako... Kung sabihin mo, 'Okay ka ba presidente? Are you in the best of health?' Of course not. I am old, life has begun to take its toll on my health.
At kung sabihin mong may sakit ako, meron. You name it, I have it. Para wala na lang debate." Ayon pa sa kanya
0 Comments