Abogadong tumulong sa gurong inireklamo kay Tulfo, pinaliwanag ang saklaw ng child protection policy


Teacher Melita Limjuco at Atty. Joseph Noel Estrada / larawan mula sa Facebook



Binigyang linaw ng abogadong tumulong sa gurong si Ginang Melita Limjuco na pina-Tulfo ng magulang at lola ng batang pinalabas umano nito ng klase.

Ang post na ito ni Atty. Joseph Noel M. Estrada ay mabilis na nag viral at umani ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens.



Ayon kay Atty. Joseph, ang ginawa ni Teacher Melita ay nasasakupan pa rin ng “special parental authority” dahil ang guro ay tumatayong pangalawang magulang ng mga mag-aaral sa eskwelahan.

Ang pagpapalabas umano ng guro sa estudyante ay bahagi ng pag didisiplina na sakop ng  “special parental authority” na saklaw din ng Family Code ng bansa.

“Dahil ito ay saklaw ng “special parental authority” na nasa sa ating Family Code of the Philippines. Habang nasa pangangalaga ng guro ang mga bata, sya ang tumatayong ina o ama nila. “In loco parentis” na napapaloob naman sa New Civil Code.” Ayon sa abogado



Dagdag niya, tulad ng totoong magulang ng bata, ang guro ay nagagalit, nagtataas din ng boses tuwing dinidisiplina ang anak.

“At ang bata, hindi porke napahiya, naabuso na. Ito ay kasama sa pinagdadaanan kapag nadidisiplina. May nakita ka bang, habang pinagagalitan ay masayang masaya?” Ayon kay atty. Joseph

Pahapyaw ding nagpaliwanag si Atorney tungkol sa Child Protection Policy.



“Ang DepEd’s Child Protection Policy or DepEd Order No. 40 s 2012 ay hango sa RA 7610 or Anti-Child Abuse Law at iba pang batas na nagpoprotekta sa mga bata. Ang limitasyon sa pagdisiplina ay napapaloob din dito katulad ng pagbawal sa corporal punishment at mga pang aabuso.” Aniya

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens tungkol sa naging pahayag ni Atty. Joseph.

“Hats off to you atty. sa tamang pananaw sa pag didisiplina ng bata, salamat sa pagtulong sa guro na nag sasakripisyo para makapaglingkod sa mga mamayan, hindi nila alam ang hirap ng maging guro, ito ay isang bokasyon”



“Sa panahon ngayon pano magsisimula sa tahanan ang disiplina yong mismong magulang ay di nakapagtapos ng elementarya kasi pasaway din tsk tsk anong aasahan sa knilang itituro sa mga anak nila e di wala.”

“Dapat may Teachers' Protection Policy din po sana para di tayo nilalait ng mga kunsintidor na magulang.


Mahirap maging GURO panahon ngaun dahil bukod sa mga pasaway n mga pag uugali ng ilang kabataan..may mga parents/guardians ding makitid ang pag isip at konsintidor...Kaya namang I handle ang mga ugali ng mga bata kng walang PASAWAY n mga guardian/parents...





Post a Comment

0 Comments