Vice President Leni Robredo (ctto) |
Si Vice President Leni Robredo ay umaasang madi-dismiss na
ang electoral protest na inihain ni dating senador Bongbong Marcos laban sa
kanyang pagka panalo noong 2016 elections.
Ikinatuwa ni Robredo na lumabas na ang resulta ng manual
recount na isinagawa ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa tatlong
probinsiya.
"Kami po natutuwa na nilabas na iyong resulta noong recount
kasi ito naman iyong pinagtatalunan, 'di ba?
"Iyong pinagtatalunan, pinapalabas na talo kami sa
recount, pinapalabas ang kung ano-anong kasinungalingan.
"The fact na nilabas na ito ng PET, nilabas na ito ng
Supreme Court, masaya kami na napakita ano ba talaga iyong nangyari," Ayon
kay Robredo ayon umano sa ulat ng GMA News.
Sa nasabing resulta ay makikita umanong mas lumamang pa si
Robredo ng 15,000 boto laban kay Marcos.
"Kaya ngayon na nilabas na iyong resulta ng recount,
inaasahan namin na very soon idi-dismiss na iyong protesta," Ayon pa dito
"Ang hindi ko naiintindihan kasi parang iyong
pagsisinungaling, nakakahawa pala. Kasi pati iyong abogado nagsisinungaling na
rin; kasi sila iyong nagpadala ng sarili nilang watchers. Mayroon silang
resulta nitong recount.
"Even before ilabas ito ng Supreme Court, mayroon na
silang resulta kasi mayroon na silang mga representatives doon sa recount at
alam nila na lalo pang lumamang iyong boto ko," dagdag pa ni Bise
Presidente.
Ayon sa mga ulat, sa final tally ng PET, si Robredo ay
nakakuha ng 14,436,325 votes habang si Marcos naman ay 14,157,770 votes sa
kabuuan na 5,415 clustered precinct na isinailalim sa recount at revision.
Source: KAMI
0 Comments