Netizen posts open letter for critics of President Duterte: 'He is old, in pain, but never stops serving his people'



Pangulong Rodrigo Duterte nakaramdam ng pananakit ng likod habang nasa Japan / larawan mula sa Facebook (ctto)


Kalakip ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nasa Japan, nag post ng isang open letter ang isang netizen para sa mga kritiko nito.

Ang Facebook post na ito ni Noel Landero Sarifa kahapon ay umabot na sa 70k shares, 112k reactions at 10k comments.


"Sa mga Kritiko ni Duterte, Look At our President! He is Old, He is in Pain but he never stops in serving his people." panimula ni Sarifa

"All I ask from you is to help us build a nation. see the goodness in him, see the purpose of what he does, not just on what wrong you think he is doing. Ilang dekada na akong nabubuhay bilang Pilipino pero ngaun lang tayo nagkaroon ng presidente na puro trabaho. 

Let us take advantage of this times, imbes na batuhin, tawanan, kutyain at puro na lang kontra, meron pang gusto na syang mamatay." Dagdag pa nito


Kamakailan lamang ay napabalitang nakaramdam ng pananakit ng likod ang pangulo habang nasa Japan kaya agad na umuwi matapos ang mahalagang event na kanyang dinaluhan.

"He is doing this for us, ako, tayo, kasama ka. Sana lang imbes na magreklamo, itanong mo na lang sa sarili mo, " Ano ba ang maitutulong ko?" at sa kaunting paraan na alam mo tumulong tayo. " Ayon pa sa netizen

"This is the time na ipakita natin sa mundo na kaya nating magka-isa para sa bayan. Hindi dahil sa political preference natin."


"This is the time na magkapit bisig tayo para ibangon ang Pilipinas. Let us be proud pinoy, sa salita, sa isip at sa gawa." dagdag pa ni Sarifa

Sa kanyang post, pinaalala ni Sarifa na sana ay matauhan na ang mga Filipino bago mahuli ang lahat. 

"Building a nation is a NOT A ONE MAN JOB, IT IS OUR JOB!" Ayon dito


Nilinaw naman ng palasyo na ang pananakit ng likod ni Pangulong Duterte ay sanhi ng kanyang maliit na aksidente sa motorsiklo kamaikalan.






Source: KAMI

Post a Comment

0 Comments