Photo courtesy of coconut and Facebook |
Naglabas muli ng pahayag si Gretchen Barretto sa kanyang
nakaalitang pamangkin na si Nicole Barretto tungkol sa akusasyon na pang-aagaw diumano ng tiyahin sa kanyang boyfriend na si Atong Ang.
Si Nicole ay anak ng
nakatatandang kapatid ni Gretchen na si Jay-Jay Barretto.
Sa
Instagram Stories (IG Stories) ni Gretchen ngayong araw, October 21, may pagbanta
na ginawa si Gretchen sa pamangkin na isisiwalat nito ang katotohanan kung
bakit tinanggal ni Atong ang serbisyo ni Nicole at ng kanyang ina.
Ayon
sa post ni Gretchen: “Your mother &
your services fired over 4 yrs ago.”
“Would you want me to expose
the reasons for it or would you care to tell your twisted truth Nicole Ramos
Barretto Magno.” Ani Gretchen.
May
pangungutyang sinabi ni Gretchen sa pamangkin kaugnay ng naging relasyon nito
kay Atong.
Sa
mga nakaraang report, maalala na pinahayag ni Nicole na naging
"boyfriend" niya ang kontrobersyanl na negosyanteng si Atong Ang.
Nagpahayag naman kamakailan si Atong
hinggil sa tunay na relasyon nya kay Nicole sa panayam sa kanya ng ABS-CBN.
Ayon kay Atong, si Nicole
daw ay "parang taga asikaso ng mga
flights ko and schedule ko noon."
Pasaring pa ni Gretchen kay
Nicole sa kanyang Instagram Stories: “There's
a difference between a girlfriend & merely (past time). Na nilalako ng
nanay.”
At
sinabi pa ni Gretchen na ang tunay na Barretto ay hindi raw naghahabol ng
lalaki.
Tila
pasaring pang sinasabi ng aktres na nagmana daw ang pamangkin sa ina nito.
Ani
Gretchen: “A True Barretto will never
chase a man, Nicole.”
“You must Be a Ramos. Your
mother's Daughter, who chased jay-jay, my brother.”
Sa
kasalukayan, nagpadala na ang PEP.ph ng direct message sa Instagram account sa
Instagram account ni Nicole upang hingin ang kanyang pahayag tungkol sa isyu.
Source: pep ph
0 Comments