Lola na bulag, patuloy paring nagtitinda ng tinapay kahit na madalas makupitan.



Aunt Nid/photo courtesy of Facebook


Sa isang viral post, makikita ang kalagayan ng isang lolang may kapansanan, na patuloy pa ring nagtitinda upang maipangtustos ng kanyang pangangailangan.

Sa Facebook page na I AM EAT, ibinahagi ang larawan ng nasabing matanda na kilala lamang sa tawag na Aunt Nid.



Lubhang nakakadurog  ng puso sa kalagayan ni Aunt Nid, 71 anyos, isang bulag ngunit nakukuha pa ring magtinda ng tinapay upang kumita ng pera.

Ayon sa ulat ng KAMI,  kanilang napag-alaman na araw-araw itong nangangamuhan ng tinapay upang itinda nya sa kanyang pwesto.

Marami ang nahahabag sa kalagayan ni Aunt Nid, kaya naman may mga taong bukal sa kalooban ang pagbili sa matanda at tapat ang mga ito sa pagbayad.



Sa kabilang banda, nakalulungkot isipin, na may mga tao talagang mga walang puso at mapag-samanatala dahil nakukuha pang kupitan ang matanda dahil sa ito ay bulag.

Bagaman sa kabila ng mga masasamang ginagawa sa kanya ng ibang tao, patuloy pa rin syang makikita araw-araw na naka-ngiti at patuloy paring naghahanap buhay.

Marami ang talagang humahanga sa matanda, sa kabila ng nakakaawa nyang kalagayan ay positibo pa rin ang pananaw sa buhay.

Hindi naging hadlang sa matanda ang kanyang kapansanan upang maghanapbuhay at upang di maging pabigat sa kanyang pamilya.



Source: KAMI



Post a Comment

0 Comments