Photo courtesy of abs-cbn and Manila Bulletin |
Isang Koreano ang naaresto matapos itong magpanggap ng
na-kidnap at nagdemand ng ransom sa kanyang mga magulang sa Korea.
Ayon sa balita ng Manila Bulletin, humingi ng tulong ang
embahada ng Korea sa Anti-Kidnapping Group (AKG) ng Pulisya sa pamumuno ni Col.
Jonnel Estomo, tungkol sa isa nilang
kababayan na di umano ay biktima ng kidnapping.
Kinilala ang Koreano na si Yoo Jin Won, 38 na taong gulang, nagta-trabaho
bilang isang tour guide sa isang South Korean tourists na nakabase sa Angeles,
Pampanga. Huling nagreport sa kanyang trabaho noong September 24, 2019.
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon sa miyembro ng AKG-PNP,
upang matunton ang mga huling galaw ng Koreno.
Maging ang social media status ni Yoo Jin ay kasama sa cyber research na ginawa ng
mga operatiba ng AKG. At sa nakalap ng impormasyon, nakita ang larawan ni Yoo Jin na kasama ang nobyang Pinay.
Natunton ng mga pulis ang address ng nobya, at ito ay nakatira sa
Numancia, Aklan. Agad itong pinuntahan ng mga awtoridad.
Ayon pa sa imbestigasyon ng pulisya, nalaman na sa bahay
pala ng nobya, naninirahan si Yoo Jin, sa Barangay Camanci Norte, Numancia
Town, Aklan.
Dinala sa himpilan ng pulisya si Yoo Won upang maka-panayam.
At sa imbestigasyon kay Yoo Jin, ito daw ay nagbibiro lamang at nagpanggap na
nabiktima ng kidnapping.
“When debriefed, Yoo
confessed that he was just joking to his mother in Korea on his kidnapping here
in the Philippines because he is in dire need of money,” sabi ni Col.
Estomo.
Nais lamang ni Yoo Jin na makahingi ng pera mula sa kanyang mga
magulang dahil mahigpit ang pangangailangan nito at walang-wala ng perang
panggastos.
Ayon sa mga magulang ni Yoo Jin Won, humihingi raw sa kanila
ng ransom na nagkakahalaga ng $5,000 o P250,000 ang "kumidnap" dito.
Nasa pangangalaga na ng AKG ang Koreano at inihahanda na ang
isasampang kaso rito dahil sa kidnap-me modus ayon pa kay Lt. Col. Elmer
Cereno, AKG spokesperson.
“This should serve as
a lesson that you cannot fool the AKG. We have ways of ferreting out the truth
and Yoo’s case is not the first,” babala ni Cereno.
0 Comments