Sa isang liblib na lugar sa Ilocos Sur, ay may naninirahan na
isang matandang dalaga na umaabot na sa 101 taong gulang.
Ayon sa kwento ng i-Witness, mag-isang namumuhay sa kanilang lumang
bahay ang lolang kinilalang si lola Felicidad Cabuena.
Sa panayam kay Lola Felicidad, naging isang matandang
dalaga na sya, kaya naman mag-isa lamang siya sa bahay.
Ngunit sa kabila ng kanyang katandaan, ay nakukuha pa rin nyang
magbanat ng buto sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa bukid.
“Hindi ko gusto ‘yung
laging nakaupo, walang trabaho,” sabi ni Lola Felicidad.
“Hindi puwedeng hindi ako magtrabaho,” aniya.
Kwento pa ni Lola Felicidad, kaya raw siya tumandang dalaga
ay dahil walang nagkakagusto sa kanya noon.
Dahil sa kanyang kapangitan, kaya naman walang naglakas ng
loob na manligaw sa kanya nuong kabataan nya.
“Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko,” sambit
ni lola.
“Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka
magugustuhan ano,” dagdag niya pa.
Sa kabila nito, itinuon na lamang ni Lola Felicidad ang
kanyang atensyon sa pag-aalaga sa mga pamangkin. Sya rin ay tumulong sa
pagpapalaki at pagpapa-aral sa mga ito.
Kaya naman, ngayong matatag at matagumpay na sa
kani-kanilang mga buhay ang mga natulungan mga pamangkin ni Lola, tumatanaw
sila ng utang na loob sa matanda.
Bagaman hindi na sila madalas nakakadalaw sa kanilang Lola Felicidad,
nagpasya na lamang sila na ikuha ito ng taga pag-alaga.
Si Regina ay asawa ng malayong kamag-anak ni Lola Felicidad.
Siya ay binabayaran ng mga pamangkin ni lola upang mag-alaga sa kanya.
Ayon kay Regina Cabico, 94 taong gulang na si lola nang simulan
niyang alagaan ito.
Makikita sa loob ng tahanan ni Lola Felicidad ang halos
limangpung piraso ng mga larawan ng mga mahal sa buhay.
Inilahad pa ni Lola, ilang miyembro ng kanilang pamilya ang
natulungan niyang maging matagumpay sa buhay.
"Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko ‘yun eh
saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?” sabi ni Lola Felicidad.
Marahil naging mag-isa mang namumuhay si Lola Felicidad,
nagsilbing isang napakalaking biyaya siya para sa kanyang mga mahal sa buhay.
Bakas sa mukha ni lola, na kahit mag-isa lamang sya sa
buhay, makikitang masaya sya sa kanyang mga nakamit sa kanyang pagtanda, ito ay
ang maging kasangkapan sa tagumpay ng kanyang mga mahal sa buhay.
Hindi nya ipinagdamot ang kanyang maliit na kontribusyon
para sa ikauunlad ng kanyang mga mahal sa buhay.
Narito ang kabuoan ng video ng maikling kwento ni Lola Felicidad.
Source: KAMI
0 Comments