Ginawang CR ang Boracay! Dayuhan naaktuhang 'pinadudumi' ang anak sa baybayin ng Boracay, inireklamo

Compiled photos from video clip from Youtube (ctto)



Viral ngayon ang video ng mag-inang foreign nationals na nakunang hinahayaang dumumi ang kanyang anak sa mismong dalampasigan ng Boracay Island.

Inireklamo ang isang turista sa Boracay ang umano'y pag-aalalay ng isang babaeng foreign national sa kaniyang anak sa pagdumi at paghuhugas ng puwet ng kanyang anak sa mismong dagat habang marami ang kasalukuyang naliligo duon.


Ayon sa kuwento ng nag-post na si alyas "Grace," kasalukuyang nagtatampisaw  sila ng kanyang kasama sa Station 1 ng Boracay noong Lunes nang makita nila ang babaeng dayuhan na pinapadumi ang bata sa buhangin ng dagat. 

"Nasa tubig po kame nung time na 'yon when my friends saw the kid poop and (noong nakita ng mga kaibigan ko na nagdudumi at) hinugasan ng mom 'yong kid," kwento ni Grace sa panayam ng ABS-CBN News.

Matapos dumumi ay tinakpan pa ng ina gamit ang buhangin ang pinagdumihan ng bata.


May isa pang babaeng turista na kasama nila, na naaktuhan namang tila may ibinabaon sa buhangin, 'di kalayuan sa hinihugasang bata.

Ayon sa saksi, ito daw ay ang maruming salawal umano ng bata ang ibinabaon sa buhangin.

"Nangdiri at nagulat talaga kaming lahat kasi galing kami sa tubig. Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin kaya sumigaw na lang kami ng "yuck! yuck!" para mapansin na nila" kwento pa ni Grace

Nakarating na sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang naturang video. 
Makikipag-ugnayan daw ang DENR sa iba pang ahensya ng gobyerno kaugnay ng insidente.


Saklaw sa Municipal Ordinance Number 311 o "Anti-Littering Law" ng bayan ng Malay sa Aklan ang pagdudumi, pag-iihi, at pagdudura sa mga pampublikong lugar, gaya ng Boracay

Sa panayam ng ABS-CBN sa Interior and Local Government Undersecretary Epimaco Densing III, dahil sa menor-de-edad ang bata, ang ina ang mananagot sa pagpapabaya nito sa kaniyang anak, 

Mamimigay daw sila ng mga polyetos para maipabatid sa mga turista ang mga ipinagbabawal na gawain sa pamosong isla ng Boracay.


Giit ng opisyal, responsibilidad ng mga turistang malaman kung ano-ano ang mga patakaran at ordinansa sa pagbabakasyunan. 

"Responsibilidad din ng turistang malaman na kahit wala yang mga signs na yan sa mga tourist destination hindi ka dapat nagdudumi. Alam na dapat ng turista iyan," ayon kay Usec. Densing. 

Muling binukas sa publiko matapos ang anim na buwan mula noong 2018,  para isailalim sa malawakang rehabilitasyon dahil na napakataas na fecal coliform level sa katubigan nito ayon na rin sa kautusan ni Pangulong Duterte.


Source: abs-cbn

Post a Comment

0 Comments