Hontiveros to Duterte: Magsalita ka na tungkol sa China ship issue!

Senator Risa Hontiveros / photo from GMA Network

Sa gitna ng isyu tungkol sa Recto Bank kung saan ay lumubog ang Filipino fishing boat matapos mabangga ng Chinese vessel ay nanawagan si opposition Senator Risa Hontiveros kay Pangulong Rodrigo Duterte na basagin na ang kanyang pananahimik.

Ayon kay Hontiveros, dapat ay mag bigay nga public statement ang Pangulo tungkol sa pangyayari.
Dagdag niya, kailangan magkaroon ng assurance ang mga tao mula sa sarili nilang Presidente.


“Mr Pres, break your silence on this serious issue. The people need assurance from their own Pres,” Sambit ni Hontiveors sa kanyang tweet.

“If you can make public statements on the most mundane things, you can certainly do the same on this extremely important matter,” Dagdag niya

Samantala, nagpahayag naman ang palasyo na nangangalap pa umano ang Pangulo ng final na resulta ng imbestigasyon.

"He's (Duterte) not silent. He's waiting for the facts to set in before he makes any declaration," saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo kahapon, Lunes.


Nauna nang kinondena ng Malacanang ang ginawang pagtalikod ng mga Tsino sa lumubog na bangka ng mga Pinoy matapos nila umanong mabangga.



Source: Politiko, Philstar

Post a Comment

1 Comments

  1. Hoy! Ale, magalis ka ngang make up para makita at mapakiramdaman mo kung ano ang nangyayari...kung irerewind mo ang pangyayari, nagumpisa yan sa dating mong Pres at at kay magiting na sis Stella...at pki sauli narin yun nkulimbat mong pera ng Phil health...

    ReplyDelete