Apolinario, umamin: ‘Walang solusyon na maibalik ang pera ng mga miyembro'


Joel Apolinario, KAPA founder/photo from PhilNews



Naglabas na naman ng panibagong video ang Kabus Padatuon (KAPA) investment scam founder na si Pastor Joel Apolinario. Siya ay nanawagan sa kanyang mga miyembro na mag sagawa ng synchronize prayer rally.

Sa dalawang minuto na video na inilabas ni Apolinario, sinabi niyang naka freeze ang lahat ng assets na nakapangalan sa kanilang mag asawa na si Reyna Apolinario.



Inamin din ng founder na walang solusyon o paraan kung talagang maibabalik pa ang pera ng mga miyembro ng KAPA.

Ayon kay Apolinario, tanging panalangin lang ang kanilang magagawa. Siya umano ay nagtatago din sa ngayon dahil sa banta sa kanyang buhay.

Noong isang linggo ay inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) na isara ang kompanyang sangkot umano sa pyramiding scam na Kapa-Community Ministry International, Inc.

Ayon sa pangulo, niloloko at pinapaasa umano ng KAPA ang mga miyembro nito.


“To the CIDG, the police, the special investigating teams including NBI, that is pyramiding. That is why you shut them down and haul them to courts upon my orders,” anang Pangulo.

Patunay daw na sangkot sa syndicated estafa ang nabanggit na kompanya dahil sa laki ng interes na kanilang ipinangako sa mga tao.

Nag paalala rin si Duterte na huwag basta basta maniwala sa pangako lalo na kung mukhang hindi ito kapani-paniwala.

Ayon sa isang ulat ng Bombo Radyo, may isang alyas Mildred na nag-invest ng P500,000 ang nanawagan na harapin ni Apolinario ang mga miyembro upang maibalik ang kanilang pera.


Source: Bombo Radyo




Post a Comment

3 Comments

  1. Hahahahahahahaah Bombo Radyo, kalaki mo namang tanga at inutil. Hindi ka ba nagaral ? Sinong pontio pilato ang magbibigay saiyo ng 30% na tubo kada buwan sa investment mo o kahit sa donasyon mo kay satanas ? UTOT AT TAE MO ANG MAKUIKUHA MO GAGO ! Hahahahah napakalaki mo namang tonto, gunggong at inutil ! Hahahahahahahahah order a shoot to kill sa Joel Apolinario na iyan. SHOOT TO KILL ON SIGHT DAPAT IYAN ASAP. DAMI PA KAYONG SATSAT AT DUE PROCESS DUE PROCESS. Hahahahahahahahah o mga KAPA members sabi ko na nuon pa, darating na iiyak kayo ng dugo at lalabas at tae sa bunganga ninyo. Ayan na, ayaw ng lumabas ng Joel Apolinario ninyo na isang Dios daw ni Satanas. May papikit pikit mata pa ang mga gunggong na mga KAPA members at nagdadasal, at sisigaw ng AMEN ! Bwaaaaaaaaaahhhhh !

    ReplyDelete
  2. Tanga ang naniwala kay apolinario

    ReplyDelete
  3. Sabi po ng mga nagagalit na mem ber ng kapa , wag daw makialam netizen nadi member ng kapa dahil wala daw alam sa internal agreement ng member at pastor apolinario. Ayaw nila tanggapin na na-scam sila.

    ReplyDelete