Teddyboy Locsin takes a jab at Noynoy's tagline: ‘Kayo ang boss ko’ is ‘idiot talk’


Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin / photo from Rappler


Manila, Philippines – Hindi natutuwa si Foreign Affairs Secretary Teddyboy Locsin sa naging sikat na tagline ni dating Pangulong Benigno Aquino III na “Kayo ang boss ko.”

Sa isang Twitter post ay naglabas ng saloobin si Locsin bilang response sa isang komento ng netizen na nagsabing dapat ipaalam sa mga Pilipino kung ano ang ginagawa hakbang ng Department of Foreign Affairs patungkol sa di umano’y militarisasyon ng China sa South China Sea dahil katwiran nito, “we are their boss.”



Tahasan namang sinagot ito ng Foreign Affairs secretary na hindi ang publiko ang kanyang boss.

“You are not my boss. ‘Kayo boss ko’ is idiot talk. I have one boss, the President, whose lawful orders I carry out,” Ani Locsin.

Ayon din kay Locsin, nais man niyang humingi ng advice sa Pangulo, ngunit nagsabi na umano ito na sa kanya na hindi na makikialam pa.

Maraming beses na umapela ang gobyerno laban sa militarisasyon ng China sa South China Sea at kilalanin ang naging desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa Hague na walang karapatan ang China sa "nine-dash line" claim nito, na hindi naman nito tinatanggap.

"The stand is that it is ours. And they took it. World's highest court ruled that. Period," Ayon pa kay Locsin.


"Now the question is how to take it back," Dagdag niya



Source: Politiko 

Post a Comment

0 Comments