Mahilig kayo magbilang! College Dean slams Duterte critics: 'wag na maghilahan... sayang ang oras, salapi at dunong sa ganitong paraan'



Photo from Joeys Gold Yong's Facebook profile
Isang dating Dean ng College of Business Administration sa Perpetual Help College of Manila ang nagbigay ng kanyang kakaibang komento patungkol sa mga kumakalaban sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Si Joeys Gold Yong na dating Vice President ng PUP Graduate School Doctor in Business Administration Society ay may kakaibang banat sa mga kritiko ng pangulo.



Ayon sa kanya, paano nalang kung ibabalik lahat ng ginawa ng pangulo para sa bayan? Hinimok rin nya ang mga kumakalaban sa gobyerno na huwag nang maghilahang pababa, sapagkat kahit sino pa man ang pangulo, siya ay dapat igalang at suportahan.

Narito ang kanyang nakakatuwang Facebook post:

Mahilig kayo magbilang...gusto ko din magbilang abot ng maliit kong nalalaman sa nangyayari sa aking kapaligiran.

Ito ba ang Ilan sa mga ipinaglalaban natin?
1. Ibalik ang tanim bala
2. Ibalik ang Airport taxi
3. Ibalik sa drugs yung 700,000!
4. Ibalik yung 17,000 na naarestong drug pushers!
5. Singilin ulit ang mga Magsasaka para sa tubig!
6. Pabayaan ang Abu Sayaf
7. Ibalik ang kita ng mga Customs!
8. Ibalik ang shabu!
9. Ibalik ang panggagahasa at pag patay ng mga bata gawa ng mga lulong sa bawal na gamot! (Ilang pursiento ba Ng ganitong krimen ang nabawas?)
10. Say no to increased infrastructure expenses! (Hayaang walang build build build, train tax etc - ngunit gusto ng solusyon para umangat ang ekonomiya)
11. Ibalik ang mga OFW na nakauwi!
(Hayaang na lamang ang mga binansagang bayani Ng bayan - bayani sila kaya hayaan na natin sila kahit maging masahol pa sa hayop ang buhay nila sa ibang bansa)*
12. Ibalik ang magdamag na kantahan ng Karaoke! (Tambay sa kanto-inuman pa more)


13. Ibalik ang takot sa daan!
14. Ibalik ang masasamang pulis!
15. Ibalik ang pag mimina na nakakasama sa paligid!
16. Ibalik ang pag sekreto sa lahat ng gawain ng executive!
17. Ibalik ang masamang serbisyo ng pamahalaan! (Proseso ng mga papeles inaabot ng ilang araw, balikan mo nalang iha)
18. Ibalik ang mini Las Vegas Sa Bilibid!
19. Tanggalin ang 911
20. Tanggalin ang Hotline 8888 para sa kurapsyon!



Ang Makabagong Filipino na aral at nag iisip ay hindi kailangang may kinikilingang mga grupo o individual, Hindi din kailangan magsiraan at magsigawan sa mga kalye at entablado upang makita ng mundo na ang liit nanga ng bansa natin, nag-iiringan pa tayo.

Walang almusal ang pamilya sa isang Banda. Walang pambili ng gamot para kay lola. Walang ... marami pang iba. Andaming maaaring iangat - edukasyon, trabaho, negosyo, sining, kultura, dangal atbp - wag na maghilahan... sayang ang oras, salapi at dunong sa ganitong paraan.

Sino man ang ating pangulo, dilaw, pula o Kung May asul pa... ito ay igagalang at susuportahan.



Kapag nanalo kayo sa susunod na halalan, susuportahan namin at igagalang din ang inyong posisyon.

Nagmamahal
Filipino para sa Pilipinas

*20 item list mentioned here are taken from the originally 22 item list written by: Dr. Dennis Tan (2017)


*modified and re-written for a different approach by: Dr. Joeys Gold Yong (2018)


Source: Joeys Gold Yong

Post a Comment

5 Comments

  1. Kulang pa. Ibalik yung pasensya sa 3 taon lamang at passport sa 5 taon. Bawasan ang pension ng P1,000.00 at yung benipisyo ng mga beterano ibaba ulit sa P5,000.00 na P20,000.00 na ngayon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ipabalik ang mga natanggap na increase salary..

      Delete
  2. Kulang Pa ! ibalik ang Tax para sa Mga Employers ! Isa sa mga inalis ni tatay digong ..

    Ibalik ang mga basura sa Manila Bay !
    Ibalik ang mga Magnanakaw sa NAIA !
    ItigiL ang Scholarship para sa mga Kapos sa Kabundukan at Katubigan !

    mga SimpLeng Nagawa ni tatay digong na di Makita ng karamihan bagkus humahanap pa ng ibang dahilan para ibagsak.

    ang Gulo nila ..

    Naghahanap sila ng pagbabago pero ngayong Nasa harapan na nila tinataboy naman nila .
    anong klaseng Pilipino ba tayo ?

    Nasadlak sa Katangan Tumalino sa Kaabusuhan Bulag sa Katotohanan ayaw sa Kapayapaan .

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dagdagan ko pa ang kakulangan; Ibalik ang korapsyon at DAP PDAF ni Pnoy at ibalik din si Napoles, Ibalik ang ninakaw na gold bars sa central bank, ibalik ang mga proyektong lubak-lubak na daan, ibalik ang paggawa ng mga tulay at iwanang hindi tinapos at hindi nagamit at nakatiwangwang lang dahil ang pondo kinurap lang, ibalik ang sistemang uutang ng bilyon bilyong dolyar sa China at walang proyektong nagawa pinagparte parte lang ng mga kaalyado, tanggalin ulit at gibain ang mga proyektong build build build, gibain ang mga inayos na highways at ibalik ang sira sirang daan. Kayo naman....

      Delete
  3. Ibalik si Pnoy ng lalong maghari harian ang mga elitista at madagdagan pa ang maturukan ng dengvaxia at higit sa lahat para madagdagan pa ang mga mapapatay na SAP....

    ReplyDelete