Sara Duterte defends Bong Go: Sinungaling si Alejano!



Davao City Mayor Sara Duterte and former SAP Bong Go / photo mula sa Abante



Dinepensahan ni Hugpong ng Pagbabago chair at Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte-Carpio ang pambato sa Senado na si Bong Go dahil sa alegasyon na pondo umano ng gobyerno ang ginamit para sa kit na ibinigay nito sa publiko.

Bumuwelta si Mayor Inday nang inakusahan ni Otso Diretso senatorial candidate Gary Alejano si Go na gumagamit ng pondo mula sa gobyerno dahil sa t-shirts na umano ay kasama sa kit na pinamahagi sa isang liga.



“Ang dami-dami nilang sinasabi about the administration of President Duterte which are untrue! So that also reflects on their honesty and credibility. So ano gagawin natin sa kanila?” ani mayor Inday sa isang campaign rally sa Paranaque City.

“They deliberately say false statements on stage about the administration of President Duterte,”  dagdag niya

Ayon kay mayor Inday, sinagot na rin ni Go ang alegasyon at pinabulaanang galing sa gobyerno ang mga t-shirt at sinabing hindi rin umano alam ni Go ang pagbibigay ng nasabing gamit.

“You know, nagsisinungaling si Alejano when he said that galing sa government funds yung t-shirts na nilagay sa kits

“[Bong Go] already said na sa supporters niya galing yung mga t-shirts na yun and hindi gastos ng government. Ang paglagay ng mga t-shirts sa kits ay walang permission sa kanya at sa kanyang staff,”  paglalayad ni mayor Inday sa mga reporters

“So anong gagawin natin sa kanila tulad ni Alejano na nagsisinungaling? Wala naman siyang proof to say na galing sa public funds ang t-shirts,” aniya.


“Anong gagawin natin sa kanila? Kasi ang sinasabi nila, the issue is not about a college degree, but honesty,” dagdag ni mayor.









Post a Comment

0 Comments