Isang lalaking customer ng Jollibee drive thru, pinaulanan ng mura ang manager at crew

 



Isang video ang nagviral noong October 2022 kung saan ay pinaulanan ng mura ng isang kostumer na lalaki ang manager ng isang fast food chain.

 

Sa video ay makikitang nagalit ang lalaking kostumer nang pakiusapan siya ng empleyado na umabante muna dahil pitong minuto pa ang aantayin para sa kanyang order na pagkain at para maserbisyuhan ang iba pang nakapila sa drive thru.

 

Kapansin-pansin na malumanay pa rin na sumasagot at nagpapaliwanag ang empleyado sa kabila ng galit ng lalaki.


Sunod=sunod na mura ang natanggap ng babaeng manager mula sa lalaki at pinagbantaan pa ito na matatangal ito sa trabaho kinabukasan.

 

“Tanggal ka na bukas. Drive thru to, bakit mo ako papunpuntahin don?” ayon sa lalaki na sinagot naman ng manager na 7 minuto pa bago lumabas ang order nito

 




“G*g* ka. Nagda-drive thru kayo papupuntahin mo ako doon?! Sa sampung order ko papunpuntahin mo ako don? Alam mo magkano gasolina? Nag-iisip ba kayo? G*g* ka. Manager ka? Kausapin mo mga tao mo ha. Kung wala kayong drive thru, patanggal n’yo na ‘to,” sagot pa ng lalaking nasa kotse

 

Gayunpaman, sa bawat mura ng lalaki ay may sagot na "thank you" ang empleyado na nangako ding kanyang kakausapin ang kanyang crea.

 

Hiningi din ng lalaki ang calling card ng manager ngunit first name lang daw ang maaaring ibigay nito dahil na rin sa data privacy act.

 

Sa bandang huli ay nagpakilala ang lalaki na isa siyang mystery customer at pinagsabihan din niya ang manager na huwag nang paatabihin ang drive thru customer sa kalsada dahil hindi ito pag-aari ng fast food.

Post a Comment

0 Comments