Babaeng umutang ng underwear na halagang P800, pinatarpaulin ng inutangan nang di nakabayad agad


 

Dumulog sa Raffy Tulfo in Action ang isang babae na taga Batangas matapos siyang ipahiya ng kanyang inutangan, ang kanyang mukha ay nilagay lang naman sa tarpaulin nang hindi agad siya makapag bayad.

Napag-alaman na underwear pala ang inutang ni  Gengerie Comprendio kay Nelia Muico ng Natasha Lemery ngunit nabigo ito na magbayad sa takdang araw na napag usapan.






Ayon sa paglalahad ni Gengerie, pina-barangay daw siya ni Nelia dahil hindi siya nakabayad agad sa kanyang inutang na produkto.

Nakiusap din daw umano si Gengerie  na maghintay lang dahil wala nga siyang trabaho at dala na din ng pandemya.

Napilitan din umano si Gengerie na mag trabaho sa Maynila upang makapag bayad dahil wala na siyang mapagkakitaan sa Batangas.

Ngunit laking gulat nalang daw niya ng malaman mula sa mga kamag-anak na naka balandra na ang kanyang mukha sa isang tarpaulin kung saan nakalagay din ang detalye ng kanyang utang kay Nelia.






At kahit isang buwan nang bayad ni Gengerie ang halagang Php 800 na principal ng kanyang utang ay hindi pa rin daw inaalis ni Nelia ang tarpaulin.

Nang ito ay imbestigahan ng Raffy Tulfo in Action, lumalabas na mayroong penalty na 5% ang bawat araw na hindi nakakabayad si Gengerie.

Napaiyak si Gengerie sa kanyang sinapit at sama ng loob dahil sa labis na pagkapahiya pati na sa kanyang pamilya.

Gayunpaman, wala daw pinirmahang na dokumento o kasunduan si Gengerie tungkol sa interes kaya hindi na umano valid ang pagpataw ng interes sa kanya.

Nanawagan din ang programang RTIA na alisin na ni Nelia ang tarpaulin dahil maaari umano siyang makasuhan pa ng libel.

Nang subukang kontakin ng staff ng programa si Nelia ay hindi ito sumasagot kaya idudulog nalang sa barangay upang makaharap ito.

Nakakatakot talaga ang mangutang lalo na kung mabubuyangyang sa publiko ang iyong mukha kapag hindi ka nakabayad sa napagkasunduang araw, kaya dapat ay maging responsable din tayo sa ating pinagkautangan. 


Post a Comment

0 Comments